CHAPTER 13: Intrams

1.4K 93 62
                                    

"Happy birthday, Tamg!" Sunod-sunod na bati naming lahat pagtapos itong kantahan ng happy birthday.

Wala ang parents ni Tamg, mga kasambahay at driver lang niya ang kasama namin ngayon. Tapos iyong nakababata niyang lalaking kapatid na madalas kalaro ni Linken sa mga online games.

"Happy birthday," mahinhin siyang binati ng katabi kong si Zamika. "Nakakahiya, wala akong regalong dala. Bukas ko nalang ipapadala-"

"It's okay! Your presence is fine already." Tamg smiled at her, pagtapos ay makahulugan niya akong nginisian. "Ikaw? Asan ang regalo mo? Baka iniisip mo naka free pass ka rin ah? Para kay Zamika lang yun."

"Kailangan pa ba nun-"

"Sab,"

I laughed at Zamika when she glared at me. "Baby, I'm just teasing her."

Ito naman! Galit agad!

"Baby ampucha!"

'Yan nanaman si Linken. "Manahimik kapag nabasted, ah?" Then I looked at Zamika. "Wait lang bebe, tabi ka muna."

Umusog ito para maabot ko yung bag na nasa tabi niya. Nasa dulong bahagi kasi siya ng couch nakaupo e. Pagkaabot ko rito, kinuha ko ang paper bag na nasa loob nito at saka binigay kay Tamg na nag-aabang.

"Oh, mamaya mo na buksan. Baka maiyak ka kapag nabasa mo yung liham ko sa loob e."

"Kadiri naman.." she rolled her eyes.

Arte! Ako na 'to, oh?

"Tamg, bakit nga pala wala yung boyfriend mo rito? Hindi siya invited?" Linken innocently asked, so I chuckled. "Bakit?" Tanong niya pa. 

"Ayoko siya invite, 'di niyo naman kavibes yun."

"Van hated that guy. Remember? He tried to kiss Lynpen last year?"

Kumunot ang noo ko.

"Yuck! Yung Hanes?!" Sagot ni Linken sa sinabi ni Gail. Lalo tuloy akong naguluhan dahil hindi ko alam ang tungkol dito.

Kailan nangyari yun? Bakit hindi ko narinig ang tungkol do'n?

I looked at Lynpen to see her reaction, but she's just silently eating her food. Why is she acting like the topic is not her? Bingi ba siya? O nagbibingi-bingihan? Palagi siyang walang pakialam e. 

When she looked up, I immediately looked away.

"That's his name? I can't remember."

"Eww! Tapos pinatulan mo, Tamg?! Kadiri ka naman!"

"Idiot. That's not him. That's his twin." Ani Tamg habang inilalapag ang regalo ko kasama ng ibang regalo nila Linken. "Though they're both assholes. Hayaan niyo, makikipag-break na ako sa kan'ya mamaya. Boring din kasi siya, walang personality." 

Hanes? Twin? Bakit ngayon ko lang naririnig ang tungkol sa mga 'to? Bakit wala akong alam? Wala manlang nagbanggit sa'kin ng tungkol dito kahit na isa sa kanila?

Lumingon ako kay Zamika nang kalabitin niya ako sa siko.

"Bakit?" I asked, ngumuso naman siya kaya naguluhan ako. "Gusto mo ng kiss?"

Akala ko ba ayaw nito sa public display of affection?

She rolled her eyes and slapped me on the shoulder. Ngumuso ulit siya, dito ko narealize na ang pagkain niya pala ang inginunguso niya.

"Ah.. 'di mo na maubos?"

She nodded, but I just raised a brow. 

"Oh? Gagawin ko? Ubusin mo 'yan, binigay mo na nga sa'kin kanina yung corndog."

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now