"Anong oras uwian mo mamaya?" I watched her put makeup on herself while sitting on her bed.
She's wearing a beige long sleeve and a black high waist skirt. Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa mahaba niyang mga hita. She might easily pass for a runaway model because of her to-die legs, which are flawlessly slender and shiny with no visible scars.I was looking at her through the mirror, admiring her angelic face. Nang matapos siya sa ginagawa niya, nagsalita ako.
"You're not going to tie your hair?" I asked innocently.
"Bakit kaya?" She raised a brow at me, so I laughed. "Sa tingin mo? Bakit kaya?" Iritado siyang nag-irap ng mata bago iharang ang buhok sa leeg.
"You should have put foundation on it."
"Or maybe you should not have put marks on it?" Umirap nanaman siya kaya patawa-tawa akong tumayo at niyakap siya sa likuran.
Sabay kaming bumaba at nagpaalam sa papa niya. He's reading a newspaper while drinking coffee. Mas nauna kaming magising sa kan'ya kaya nakapag breakfast kami ng wala siya. Maaga kasi ang pasok ni Lynpen, at ako ang maghahatid sa kan'ya ngayon.
"Payton told me that last tuesday was your first day with them."
"Yeah, the results of the board exam passers just came up last week.""What day?"
"Monday." She's now fixing her eye glasses. "Your friend, I remember her. She's smart but noisy. Napagsabihan ko siya nang bigla niya akong harangan sa pinto para lang itanong kung kilala kita."
I laughed.
Maya-maya lang, nakarating na kami sa university na pinapasukan niya. AUZ is a well-known university renowned for its top-notch professors, brilliant academic programs, and excellent research. They attract elite educators and learners by upholding strict admissions and graduation requirements. Its reputation extends beyond the Philippines due to its status as the country's oldest university.
"Sunduin kita mamaya." I said. Umiling siya kaya kumunot ang noo ko. "Why?""Van will pick me up later."
"So?"
"Malapit lang ang studio nila rito kaya-"
"I don't care, Lynpen." My mouth spoke on its own, even I was shocked. She looked at me in silence, so I sighed in defeat. "Fine." Isinarado ko ang pintuan paglabas niya.
"Didn't I tell you to give me enough time?"
I just nod, still not looking at her.
"Are you mad?"
"I'm not," umiling ako habang papunta sa kabilang pintuan para pumasok na sa loob.
"Sabrina," she called, so I raised a brow at her. Tinignan niya lang ako saglit bago umiling. "See you later."
Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Wala tuloy akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan siya hanggang sa tuluyang makalayo.
"So dumb!" Hinampas ko ang manibela sa inis. Why would you act like that, Sabrina?! Ang linaw-linaw ng usapan niyo kagabi!
I massage the bridge of my nose. This is my first time acting so jealous. Wala naman akong pakialam dati, pero ngayon, hindi ko makontrol ang sarili ko.
"Tangina, Sab. Buti naisipan mong bumalik ulit sa pag s-skate? Gago, na-miss kita!" Si Ayesha habang pabiro akong inaakbayan sa balikat.
Ngumisi ako sa kan'ya at saka siya tinapik sa likod. Dito ako dumiretso sa korokan para tuluyang magpakita sa kanila. I've been skating these past few weeks to test my skills and ankles to see if they're doing well. Dalawa't kalahating taon akong walang ensayo kaya kailangan kong siguraduhin kung maayos na nga ba talaga yung naging injury ko bago magpunta rito.
"Matutuwa si coach nito! Bumalik na paborito niyang alaga!" She released her hold on me, allowing me to place my duffle bag on the chair.
"Kailan ang laban mo, Yesha?"
"Next week," she smirked at me. "Manonood ka?""Yeah, dude, I'm now jobless," I casually said.
"You what?"
"I quit my job to focus on this."
She laughed. "Gago, edi galit nanaman sa'yo nanay mo niyan?"
"She doesn't have to know."
"Sabagay, ayos lang 'yan. Mas malaki naman kinikita natin sa pag s-skate. Lalo ka na, the people are dying to see you play in the olympics." Inakbayan niya ulit ako at hinalikan sa pisngi.
"Kadiri. Lumayo ka nga!" I pushed her face away and immediately wiped my cheeks.
"Arte mo! Na-miss lang kita 'no!" Tumawa siya at umiling.
Ayesha is a skater from Free Space, just like me. We've known each other for almost a decade, which is why she's acting so close to me. Huling kita ko ata sa kan'ya ay yung nasa ospital ako e, dinadalaw niya. She's a masc lesbian. Si Linken ang dahilan bakit kami magkakilala.
Maya-maya lang, dumating na si coach dahil binalita agad ni Ayesha na nandidito ako. We talk about my ankle and how happy he is that I'm back and ready to skate again after three years.
"Aalis ka agad?"
"Birthday ni Gail,"
"Yung masungit?" Ngumuwi si Ayesha. Palabas na kami ngayon ng korokan. "Buti close kayo nun, 'no? Ang hirap niyang kausapin."
"Bobo ka kasi, first meetup niyo tinalsikan mo agad ng putik." Tinapik ko siya sa balikat para tuluyang magpaalam.
Pagpasok ko sa sasakyan, pinaandar ko agad ito. Maarte si Gail pagdating sa regalo kaya nung nakaraang linggo pa ako bumili, nasa loob lang ng trunk.
Huminto ako sa tapat ng malaking gate at naghintay na pagbuksan ng mga guards sa loob. Minsan napapaisip ako kung bahay ba talaga 'to o palasyo e. Sobrang laki, tapos wala ka pang kahit na isang kapitbahay.
Daan-daang mga katulong ang sumalubong saakin pagpasok sa pinto. Nakahilera ang mga ito sa mahabang hallway habang nakasuot ng uniporme nilang kulay itim at puti.
Pagdating ko sa living room, naabutan ko si Linken na naglalaro ng video games. Inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin si Gail. I saw her standing in front of a maid kaya mabilis kong tinahak ang daan papunta sa kan'ya at saka siya niyakap.
"Happy na birthday mo pa!" Mapang-asar na sigaw ko. Pero kaagad ding naglaho ang ngiti sa labi nang makitang umiiyak ang kausap niya. "Anong nangya-"
"Is this your gift for me?" Niyakap ako nito at hinila palayo. Paglingon ko roon sa maid, wala na ito sa pwesto niya.
Weird.
Nginitian ako ni Gail kaya ngumiti nalang din ako. Kami lang ang bisita dahil wala naman siyang ibang kaibigan. Inilahad ko sa kan'ya ang regalo.
"Thanks," she kissed me on the cheeks. Hinatid niya ako papunta sa kinaroroonan ni Linken. "I'll be right back. I just need to discuss something with my workers. Linken, Sabrina's already here."
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...