"Who is she? Your girlfriend? Bakit pinapalayo mo ako bigla?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nanatiling nakasunod si Rebecca sa likuran ko. Rinig na rinig ko ang takong niyang humahampas sa samento dahil sa bawat paghakbang na ginagawa.
"Right! I remembered her! Siya yung nakita kong kasama mo sa bar nung nakaraang-"
"Do you have no class, Rebecca?" Tumigil ako para harapin siya.
"My name's Rabiya! Ano ba?!"
I clicked my tongue in annoyance. "Fine, Rabiya, do you have no class at this hour?"
"What's with the sudden change of attitude? Parang kanina lang gustong-gusto mo pa akong kastahin." Tumawa siya pero napairap lang ako. Dahil sa ginawa ko, nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Is Cortez your girlfriend? Tapos nag c-cheat ka sa kan'ya?"
"She's just my friend."
"Friend? I saw the two of you last time in the bar together. Kayo lang dalawa."
"It's just a coincidence, p'wede ba? Nakita ko siya, tinabihan ko siya, kinausap ko siya, tapos nakita mo kami. What's the big deal?" Naiiritang tanong ko. Why am I even explaining this to this girl anyway?
"I don't believe you. If she's not your girlfriend, then I bet she's one of your fuck buddies. She seems mad after seeing me exit the same cubicle as you. Bakit? May rules kayong bawal makipag fuck sa iba?"
This is bullshit.
Hindi na ako sumagot at iniwan nalang siya. Binilisan kong maglakad para tuluyan siyang hindi makahabol.What is she? A freaking writer?! Where did she even get all of those ideas?!
Pagpasok ko sa silid kung nasaan ang mga camera at kagamitan na dala ko, may isang section na naghihintay akong nadatnan rito. Kaagad akong napaiwas nang makitang si Lynpen ang teacher na kasama nila. She's talking with her students, at nung makita akong pumasok, tumahimik siya bigla. Inirapan pa ako.
She's mad MAD.
I get her. Lynpen's professional when it comes to her career, so I know she's disappointed in me. What I did was wrong, and there's no right explanation for that. Hays! Sino ba naman kasing nasa katinuang pag-iisip ang makakaisip na makipag make out sa restroom ng school, diba?
"Can you remove your ID, please?" I pointed at the one boy standing in the middle. Siya lang kasi ang bukod tanging may suot nito. "Good."
I clicked the camera five times before raising my head to check their positions.
"Teh, usog ka nga kaunti," itinuro ko ang babaeng nasa pinaka gilid na may suot na headband. "Good."
Mas dinamihan ko ang kuha ng litrato sa kanila para gawing suhol kay Lynpen. Madami siyang pagpipilian, kung gusto niya mag-request pa siya sa'kin ng solo pic e.
"Wacky naman," I can't help but smirk. Nakita ito ni Lynpen kaya sinamaan niya agad ako ng tingin. "Wacky po, ma'am." Hindi ko napigilang mang-asar.Lagot nanaman ako nito sa kan'ya!
Because of what I said, her students start to cheer for her. Kinagat ko ang ibabang labi pagtapos niyang pilit na mag-peace sign para hindi lumabas na killjoy. Sus, nakangiti nga siya pero halata namang wala sa mood.
Pagtapos ko silang kuhaan ng picture, binitawan ko agad ang camera para sana lapitan ang kaibigan. Pinauuna niyang lumabas ang mga estudyante niyang high schoolers kaya naghintay pa muna ako ng ilang segundo bago siya tuluyang lapitan.
"Hey," wala pa akong ginagawa, nahihiya na agad ako. "Lynpen," mahinang pagtawag ko dahil hindi niya ako pinapansin.Tuloy-tuloy lang siyang naglakad papunta rito habang sinasabihan ang mga estudyante niyang pumila nang maayos. Before she could get out of the door, I immediately closed it.
"Are you mad?" Hinawakan ko siya sa parehong kamay na malakas niyang hinawi paalis. Sinimulan niyang buksan ang pinto kaya humarang agad ako.
"Alis."
"Lynpen naman-"
"Move, Sabrina." Her voice is cold, and she wasn't even looking at me.
I sighed before holding her hands again. Sinubukan niya itong alisin pero hinigpitan ko ang kapit.
"I'm sorry about that."
"I don't give a damn whether you fuck her or not. Now, move. May klase pa akong kailangang pasukan."
"But you're clearly mad at me." I draw circles on her hands. "Sorry, I know what I did was inappropriate and-"
"I don't want to hear it." Kinalas niya ang hawak ko. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang pakawalan siya at panooring lumabas ng pinto.
Napatitig ako sa sahig.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...