"Bati na kayo?"
Inilapag ko ang tray ng pagkain ni Lynpen sa mesa bago ngisian ang katabi kong si Linken. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil tapos na ang klase naming dalawa, hinihintay nalang namin yung tatlo na dumating.
Si Tamg, nauna na siya. Lagi kasing sinusundo ang isang yun e, lagi niya ring kasabay ang bestfriend niya. Si Gail, nasa klase pa. Ganoon din si Lynpen at Van dahil nag extend ng one hour ang teacher nila. Kawawa naman...
"Wow, pa'no kayo naging bati?" Linken asked while munching his food in his mouth. "Mabuti naman at nag sorry ka na."
"Sorry, siya lang naman yung nag sorry." I smirked, feeling proud and acting as if this were some kind of achievement. Like seriously? What's wrong with me?
Nalaglag ang panga niya kaya natawa ako.
Haaay! Oo! Alam ko, dahil kahit ako hindi makapaniwala. Kahit kasi hindi kami close ni Lynpen, alam kong never 'tong nagsosorry lalo na kung sa tingin niya sa sarili niya, wala siyang ginawang mali. E ngayong nag sorry na siya sa'kin, edi mas lalo 'kong napatunayan na siya nga talaga ang mali, at ako ang tama.
Kahit siya, inamin niya na sa sarili niya e!
"Seryoso?!" Lumipat si Linken ng upuan at tumabi sa'kin para yugyugin ang balikat ko.
"Oo," mas lalo namang lumaki ang ngisi sa labi ko. Hinampas ko ang kamay niya bago magpatuloy sa pagkain.
"Naaaaayy! Mukha mo! 'Di naman nagsosorry yun!"
"Edi itanong mo sa kan'ya mamaya." Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili sa pag-ngiti.
Nasa ibaba parin ang tingin ko, nasa mga pagkain dahil alam kong mas matatawa ako kapag nakita ko ang mukha ni Linken. Hindi pa naman ako marunong magpigil! Tatawa at tatawa ako kapag nakita ko na ang itsura niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo sa kanin nang biglang magsulputan ang ibang mga kaibigan namin.
"Oh? Nasaan si Van?" Tanong ni Linken nang makitang si Lynpen at Gail lang ang nandidito.
"Tinawagan ng magulang. Emergency daw." Sagot ni Lynpen habang nasa mga folder na bitbit ang tingin.
Magulo ang buhok niya, naka messy bun. Ang dami ring mga nakababang hibla ng buhok niya na nakaharang sa gilid ng mukha niya. Hays! Tapos yung transparent niyang salamin, bagay na bagay talaga sa kan'ya. Mukha siyang estudyanteng nag-aaral nang mabuti.
Nag-angat siya ng tingin kaya mabilis akong nag-iwas.
Kita ko sa peripheral vision ko na mauupo na sana ito sa tabi ko kaso naunahan siya ni Gail na diretso ang tingin sa counter kaya hindi napansin na rito siya papunta.
I kept myself from laughing when I saw her pout her lips. Bumuntong hininga pa ito bago magpunta sa kabilang upuan, kung nasaan nakapwesto si Linken.
"D'yan ako," she said, then slightly bumped him on the left shoulder.
Tumango si Linken at tumayo, pagtapos ay sinamahan nito ang oorder na si Gail. Susunod narin sana si Lynpen kung hindi lang ako nagsalita.
"Inorderan na kita!" Ipinakita ko ang tray sa kaniya.
Her lips parted. Ngumisi naman ako dahil kitang-kita sa mukha niya kung gaano siya kagulat.
"T-Thank you." Nautal pa siya bago dahan-dahang naupo pabalik.
Ngumiti ako at binigyan siya ng kutsara't tinidor. Pinunasan ko ito ng tissue.
She cleared her throat. "T-Thanks."
![](https://img.wattpad.com/cover/361377397-288-k254197.jpg)
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...