"AGUY! Kawawa!"
Tinignan ko nang masama si Linken, kaagad niya namang tinakpan ang bibig niya.
"Nakakatawa ka?" I asked, sarcastically.
"S-Sorry, nabigla lang. Pero totoo ba? Nag canada siya? Hindi ka manlang sinabihan?" Hindi ko siya sinagot kaya tinignan nito si Lynpen na nasa harapan lang din namin.
"That's what his brother told me." Anito.
Nandito kami ngayon sa Free Space at kakadating lang nilang dalawa ni Van. Mga may suot pang bag dahil galing sa school.
"Sabi niya kakaalis lang daw kahapon." She added.
Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Tamg. Iniyuko ko naman ang ulo ko at tumitig sa sahig. Sa totoo lang? hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mag-iisang linggo ko nang hindi nakikita si Zamika kaya pinakausapan ko si Lynpen na itanong sa kuya nito kung nasaan siya.
Ang sakit Oo, kasi ako yung girlfriend pero pakiramdam ko wala akong karapatang itanong sa pamilya niya kung nasaan siya. Kung anong kalagayan niya, at kung anong ginagawa niya. Sino ba ako? Baka sila pa nga ang magtanong sa'kin kung bakit ko sila tinatanong tungkol sa anak nila dahil hindi naman nila ako kilala.
Hindi nila ako kilala bilang girlfriend niya.
At kung sasabihin ko naman yun sa kuya niya, baka ikapahamak niya pa. Zamika is still not open about her sexuality. At ayoko namang.. pangunahan siya pagdating sa bagay na 'to. Kahit na ang sakit-sakit na.
"I-comfort niyo si Sabrina! First heartbreak niya 'yan!"
"Manahimik ka nga," I glared at Linken. Tinakpan niya ulit ang bibig niya kaya napairap ako.
"Okay lang 'yan, Sabrina. Nandito lang kami lagi para sa'yo." Si Tamg na hindi ko maintindihan kung sarcastic ba o genuine ang boses. Nginitian niya pa ako habang pinapaypayan gamit ang notebook niya kahit na hindi naman mainit.
Bumuntong hininga ako at bumalik sa pagkakatitig sa sahig.
Bakit gano'n? Bakit bigla siyang naglaho na parang isang bula? Tangina, role niya ba sa buhay kong bigyan lang ako ng pasakit? Mamahalin tapos ighoghost pagtapos?
Hindi naman pup'wede yun!
Kahit isang message, hindi niya manlang ginawa. I know damn well she's receiving those 'cause I saw her account online last night. I also tried calling her, pero bigla na siyang nag offline kaya hindi natuloy. At nung hinintay ko siyang mag online para matawagan ulit, hindi ko na makita ang account niya. Kahit ang number niya, hindi ko na rin ma-contact!
The fuck?! Nakakabaliw! Last interaction namin ay nung nasa clinic pa siya. Ano ba? May nagawa ba akong mali? Bakit hindi niya ako kinakausap? Bakit siya nagtatago sa'kin? Gustong-gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung anong address niya. Her friends won't talk to me either. It's so obvious that they are avoiding me.
That's when I begged Lynpen to talk to Zamika's brother and ask him about his sister. She knows him because they're both part of the council before he transferred.
Kinalimutan ko at isinantabi lahat ng misunderstanding namin para makakuha lang ng impormasyon sa kuya nito. Pero ngayong nakuha ko na, masaya ba ako?
I almost laughed just by thinking about it. Parang pinagsisihan ko pa nga.
The fuck is wrong with her? Bakit iniwan niya ako pagtapos magkaroon ng issue sa pagitan nilang dalawa ni Elijah? I deserved an explanation! I'm her girlfriend! Kaya bakit iniwan niya nalang ako basta?!
"Okay lang 'yan, Maria." Hinawakan ako sa balikat ni Lynpen.
This girl...
Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili ang concern niyang mukha habang nakatitig sa'kin. Sila Tamg at Linken, nagpipigil ng tawa sa gilid niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/361377397-288-k254197.jpg)
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...