CHAPTER 29: her pov (4)

1.3K 92 4
                                    

"Your mother will undergo therapy." 
 
Dumalas ang pagkawala ni papa nitong dumaang mga araw. Dumadating kami sa puntong hindi kami nagkikita sa loob ng isang linggo dahil pagtapos niyang umuwi galing trabaho, kay mama siya didiretso. 
 
Bilang isang bata, pinilit ko itong intindihin kahit na minsan ay nalulungkot ako at naaawa sa sarili. Sa kan'ya kumukuha ng lakas si mama kaya kailangan niyang manatili sa tabi nito. 
 
I don't deserve his kindness. Minsan nga iniisip ko kung bakit ang bait niya sa'kin? Mas mabait pa siya kaysa kay mama. Hindi ba siya nasusuklam sa tuwing nakikita niya ako? Kasi diba.. ako ang bunga sa nangyaring trahedya sa asawa niya? 
 
"Group chat? Para sa'n?" 
 
"Para p'wede tayo mag-usap kahit malayo sa isat-isa!" Excited na isinagot ni Tamg.

Kakatapos lang ngayon ng klase namin at ayaw pang umuwi ng magkakaibang ito. Inaya nanaman nila akong samahan sila.

"Maganda 'tong gamitin, Lynpen. Makakapag video call tayo tapos makakapagsend ng mga voice message." 
 
Kunot ang noong pinanood ko siyang itype ang buong pangalan ko sa search bar ng facebook. 
 
"Huh? Bakit walang lumalabas?" She turned her gaze at me when she found nothing. "Mali ba ang spelling ko?" 
 
Umiling ako dahil ipinakita niya sa'kin ang screen ng phone. "Wala kasi akong facebook." 
 
"What?! Are you for real?!" 
 
"Yes." I nodded at Gail. 
 
"Pero bakit?! Lahat kami may facebook. Hindi mo ba alam? P'wede kang mag upload dito ng mga pictures mo!" Nagmamadaling nag scroll si Tamg tapos ay ipinakita sa'kin ang picture niyang nakapost. Nakanguso siya rito.
 
I chuckled. "I don't have a phone." 
 
"Wha-really?!" Hindi makapaniwala si Van. "How'd you do that?!" 
 
"Naayy! Pagdating kay Lynpen, energetic?! Pabida talaga 'to!" Tinulak siya ni Linken kaya nagsimula silang mag-away. 
 
"I'm too young for cellphones anyway." 
 
"But how can we message you if there's an emergency?" 
 
"Papa has a phone. Roon niyo nalang ako tawagan." Pahina nang pahinang bigkas ko. 
 
I sighed, then looked at the ground. 
 
Papa 
 
Every time I'll use the word papa on him, I can feel my heart aching. Do I deserve to call him my father knowing that he's not?
 
Kahit na ilang beses niya pang sinabi sa'kin na anak niya ako, hindi ko parin magawang tanggapin. I know I will forever feel the guilt in my chest, even when I'm sleeping. 
 
Simula nung malaman ko ang totoo, hindi ko na kailan man kinulit pa ulit si papa. 
 
"Ayan! May facebook ka na!" Parehong pumalakpak si Tamg at Gail habang ipinapakita sa'kin ang screen ng phone. 
 
"She needs a profile picture." 
 
Tumango si Tamg sa suhestyon ni Gail. "Tayo ka d'yan, picturan ka namin." 
 
I did what they said. Tumayo ako at lumayo kaunti sa kanila. 
 
"Enk! So boring! Para kang yung emojing nakatayo." 
 
"Do a pose." Gail smiled at me. Awkward naman akong humawak sa baywang ko dahilan nang pagkunot ng noo niya. "What's that?" 
 
Tamg laughed. "Mag-peace sign ka nalang!" 
 
Sinunod ko ang sinabi niya at agad niya naman akong kinuhaan ng picture. 
 
"Magtanggal ka kaya ng salamin?" 
 
"Bakit?" 
 
"Wala, para kakaiba ka in real life. Uso yun e, yung nag-iibang anyo kapag nasa social media. Tsaka para astig ang profile mo." 
 
Kahit na wala akong naintindihan kahit isa sa mga sinabi niya, ginawa ko parin ang suhestyon niya. Inangat niya agad ang phone, naghahanda para kuhaan ako ng litrato. I was just about to raise my hand to do a peace sign when a ball suddenly came right in front of my face. 
 
Natumba ako sa sahig at nakaramdam ng hilo. 
 
"Lynpen!"

Humawak ako sa sentido ko habang inaalalayan ng dalawa. 

"Ohmygoodnesss! Sinong bumato?!" Dinaluhan ako nung dalawa.
 
"It's Sabrina! Look! Siya dumampot ng bola!" 
 
Pagdilat ng mata, naabutan ko sila Sabrina at Linken na nasa harapan ko na rin. Tama nga si Gail, si Sabrina ang may hawak ng bola.
 
"Lagot ka, Sab! Natamaan mo si Lynpen!" Kinakabahan ang boses ni Linken na may halong pananakot.
 
"Ano ba kasing ginagawa niyo sa gitna ng court?!" 
 
"Hoy! 'Wag ka ngang sumigaw!" Si Tamg habang tinutulungan akong tumayo. "Kumukuha kami ng magandang shot pang profile picture ni Lynpen!"

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now