CHAPTER 4: Little Steps

1.6K 98 6
                                    

Akala ko hindi siya sasama ng field trip? Diba sabi niya saamin? Bago mag grade 6 graduation?

Bumaba ang tingin ko sa damit na suot niya. Her outfit screams aesthetic! Magkaibang-magkaiba ang taste namin pagdating sa damit.

Asul na jersey jacket, white t-shirt sa loob, at itim na pang-ibabang pants ang suot ko. Habang ang sa kan'ya naman, color beige long skirt at black polo shirt. Ganda rin ng boots niya, saan niya kaya 'to nabili?

Mabilis akong nag-iwas nang lingunin niya ako.

I gulped.

The heck!! Ano bang meron sa mata niya at ganito nalang ako kung kabahan?!

"Enough staring."

"Hindi ah!" I waved my hands. "Feeling mo lang yun." Pagtanggi ko pero umirap lang siya at hindi na ako sinagot.

Malayo-layo ang naging byahe kaya nakatulog ako. Paghinto ng bus, tinulungan ko ulit si Gail na ibaba ang maleta niya bago mag attendance.

"Sige, ikaw muna." Sabi ko nang sabay naming hawakan ni Lynpen ang ballpen. She nods her head as she starts writing her signature on it. Pagtapos niya, pumira rin agad ako.

"Naks, bati na sila." Pang-aasar ni Tamg pagbaba namin ng bus. 

Nauuna na ngayon si Lynpen at Van. Kaming apat naman, nasa likuran lang nila at mga nakasunod.

"Hindi na 'yan yuyuko ulit sa lamesa. Sassa, okay ka lang?" 

"Tamg, ano ba?! Burahin ko attendance mo, e."

"Okay, sabi mo e. Ms. Small Steps." She laughs again. Hindi ko gets ang humor niya.

"Hyper ni Tamg, dapat talaga nag hawaii ka nalang, e." Si Linken na nabuburyo na sa boses ng kaibigan namin.

Wala akong ideya kung anong mangyayari sa field trip namin ngayon. Kumpara kasi nung nakaraang taon, sa ocean park kami dinala at hindi sa gubat. Pinapirma rin ang mga guardian namin bago kami payagang sumama. Sabi nila, safe naman daw 'to at walang pakalat-kalat na mababangis na hayop.

"Group yourselves into five."

"Ma'am! Pwede po six?"

"Hindi ka ba nakikinig Vargas? Ano bang sinabi ko?"

"Five po.."

"Yes, in tagalog, lima." Tumawa ang mga kaklase namin. "Bilisan niyo na. Huwag paarte-arte at aabutan tayo ng dilim. Madami pa kayong activities na gagawin."

Nang umalis ang teacher namin, kaagad kong binalingan ng tingin ang napagalitang si Linken para asarin.

"New knowledge unlocked. What's the tagalog of five?"

"Anim tayo. Buti nga pinaglaban ko pa."

"Ayos lang, ako nalang aalis." Ngumisi ako. Ayoko rin kasama si Lynpen dahil uutos-utusan lang ako nito. Ayoko sa bossy!

"You don't have to do that, Sabrina. We can break our groups into three since we're six. Let's just find two more classmates in order to become five, and our problem will be solved."

"Sus, hindi ka nga marunong makitao. Baka gawin mo pang katulong yung dalawang isasali mo."

"I don't need your side comments, Tamg. Bakit hindi lang Ikaw umalis imbis na Sabrina?"

"Oops, english please! Hindi nanaman kasi kita maintindihan." She burst out laughing.

Natawa rin ako dahil hindi talaga maintindihan ang tagalog ni Gail. Paputol-putol niya 'tong sinabi habang may accent na kasama. Bago pa ako masigawan, lumayo na ako sa kanila para maghanap ng sasalihang grupo. Friendly naman ako e, marami akong mahahanap niyan.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now