CHAPTER 42: Own

2K 137 50
                                    

"Tss," I put down my phone after seeing Lynpen's message on it. 
 
She kept on messaging me for days, and I kept ignoring her. Kumukulo dugo ko sa kan'ya. Pagtapos niya akong sampalin, guguluhin niya ako? Angas niya naman. 
 
Ginulo ko ang sariling buhok habang nasa kisame ang tingin. It's already been what? a whole month since that kiss happened, but until now, I can't still really believe it. I know Lynpen and I had a love and hate relationship, pero dude! Hindi ko naman naisip na aabot sa ganitong punto! 

Why did I even kiss her in the first place?"
 
"Tsk," Iritado akong bumangon at nagtungo sa banyo. Dumapo ang tingin ko sa sariling labi pagtapos tumitig sa salamin. 
 
I sighed. 
 
This isn't the first time this has happened. Katulad nalang nung sa prom, I'm always having this sudden desire to press our lips together! 
 
"Tangina, bakit kasi gano'n siya kung makatingin sa'kin?" I feel crazy talking to myself, and it's all because of her.
 
Nagpatuloy ang hindi ko pagpansin sa kan'ya ng ilan pang mga araw hanggang sa isang tanghali, kumatok nalang bigla sa kwarto ko si Meril dahil may naghahanap daw sa'kin sa labas. 
 
"Who?" 
 
"I'm not sure who she is, but she looks educated and elegant, unlike the other bitch I am seeing you with."
 
Nakatunog na ako kung sino ito pero bumaba parin para makasigurado. Nang makitang si Lynpen nga ito, napairap agad ako sa hangin. She's sitting on our couch, wearing a classy dress; her hair is in a clean bun. Nang makita niya ako, kaagad siyang tumayo. 
 
"Iha, do you need something?" Sabi ng nauna sa'king si Meril. Kung makaasikaso naman ang isang 'to, kala mo talaga e. 
 
Lynpen gave her a smile and shook her head. "I'm fine, Tita. I just need to talk to Sabrina." 
 
Wish mo lang. 
 
Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nang madaanan ulit yung dalawa, dire-diretso ko silang nilagpasan para magtungo sa hagdan. 
 
"Sabrina!" Rinig ko pang sigaw saakin ni Meril pero hindi na ako lumingon pa. 
 
Pagpasok ko, nakarinig ako ng magkakasunod na katok galing sa pinto. Hindi ko ito pinansin at bumalik na ulit sa pagtulog habang nakatakip ang isang unan sa mukha. 
 
"Tss, nandito ka parin?" Iritadong bulong ko pagtapos siyang makita sa baba. I looked at my watch to check the time. "It's already 8 pm, wala ka bang gagawin?" 
 
I caught her checking out my outfit. Nang mag-angat na siya ng tingin sa'kin, nagtataka niya akong tinignan. Hindi siguro narinig ang sinabi ko.

I ignored her and just continued walking while twirling my keys around my finger.

"Sabrina, where do you think you're going? Your friend helped me cook dinner for you. Hindi pupwedeng umalis ka nalang basta." Hindi tumalab ang sarkastikong boses ni Meril dahil nagpatuloy ako sa paglabas ng bahay. 
 
Pumasok ako ng sasakyan at dire-diretso itong pinaandar. There's no other car parked in our garage. Paanong nakapunta rito si Lynpen? 
 
I rolled my eyes as I tightened the grip on my steering wheel. Nagpahatid siguro siya kay Van. 
 
"Bro! You're here!" Pagpasok ko sa bar, sinalubong agad ako ni Payton. She's holding a glass of whiskey in her left hand. 
 
Hinila niya ako papunta sa bar counter para makainom ng alak. Lakas ng music, nakakabingi pala kapag ilang linggo ka ring hindi nagpunta rito.
 
"Ah," I moaned in pleasure after feeling the alcohol in my throat. 
 
Itinuro ni Payton ang pwesto kung nasaan ang iba pa naming mga kakilala. Kumaway ang mga ito sa'kin kaya tumango ako. Selca's already there, pouring whiskey into her glass. 
 
"P're, naaalala mo pa si Saphire?" Tanong niya, so I nodded my head. "Tanga wala ka na, nabingwit na siya ni Aiki." 
 
I nodded at her, which made her face look astonished. She's probably wondering why my reaction was so unaffected.

Mas mabigat problema ko ngayon para problemahin pa 'yan. Isa pa, I know who Aiki is. Nag s-skate rin ang isang yun sa Free Space. Good for her, mukhang matino naman si Saphire base sa mga kwento ni Payton. 

"Woah.. woah.." I was in the middle of drinking when she abruptly struck me twice in the chest. Akmang sisigawan na sana siya kung hindi ko lang nakita kung sino ang tinitignan niya.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now