CHAPTER 59: Meeting Each Other

2.1K 132 48
                                    

"Sab! Buti nakarating ka!" Sinalubong ako ng yakap ni Linken habang may hawak pang shot glass sa isang kamay.

The place was messy and loud-really loud. There's a loud music blasting from the speaker, at halos lahat ng mukhang nakikita ko ay pamilyar sa'kin. Tonight's the celebration of Stephanie's birthday, schoolmate namin no'ng senior high school.

"Nasaan si Tamg?" I asked after giving him a tap on the back.

"Ha?!"

"Si Tamg kamo, nasaan?" Pag-uulit ko rito, pero mukhang hindi niya ulit narinig.

Humawak siya sa tenga niya at lumapit sa'kin. "Ha?!"

I clenched my jaw, completely annoyed.

Imbis na sagutin siya, binigyan ko nalang ng tango ang ibang mga dumadaang nakakasalubong ko ng tingin. Hindi ko pa nakikita si Stephanie, sana magpakita siya sa'kin mamaya para mabati ko siya.

"Promise! Hindi ko talaga naririnig!"

"Sabi ko, asan si Tamg?" Inagaw ko ang shot glass na hawak niya at ininom ang alak na nandito. "I can't see her."

"Aaahh..." Napatango siya, naintindihan na ang sinabi ko. "Nand'yan lang 'yan sa tabi-tabi, nakita ko na yun kanina e. Baka nahila ng ibang mga kaibigan niya."

"She's drinking?"

"Hindi ako sigurado, bro." He elbowed me softly. "But I know where Lynpen is. Are you ready to see-"

I shoved him hard in the chest.

"Aray naman!" Humawak siya rito at sinamaan ako ng tingin. Siya pa talaga?

Pag-iwas ko ng tingin, umangat ang kilay ko nang si Kaori ang sunod na makita. Our gazes locked, and I greeted her with a smug smirk. Pero mukhang hindi niya ito nagustuhan dahil sinamaan niya ako ng tingin at binangga sa balikat.

"Man! What the heck is wrong with her?" I laughed. Sinundan ko ito ng tingin, nakatalikod na ito, ang maikling blonde na buhok nalang ang nakikita.

Tumawa rin si Linken. "I wonder what her reaction will be after she sees Tamg."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nakikita ko ang mga post ni Tamg sa instagram at bro! She's hot HOT! I'm not even lying. Kung ako si Kaori, hindi ako papayag na hindi happy ending ang dulo namin.

"Hindi niya alam?" I almost laugh at my own thoughts.

"Alam niya siguro. Kabanda niya si Van, e."

Natahimik ako. That simple mention of name made me roll my eyes. I suddenly want to slit both of my ears out with dental floss.

"Gail's already seated in our banquette."

"Gail?" Napatingin ako kay Linken. "I haven't seen her for months. Tara, ihatid mo ako sa kan'ya."

Nagsimulang maglakad si Linken kaya sinundan ko siya. Bawat paghakbang na ginagawa ko, nakakasalubong ako ng pamilyar na mukha kaya tumatango ako sa mga ito at ngumingiti bilang pagbati.

"Malapit sa pwesto ng stage yung lounge natin?" I asked because we just kept on going. Ipinatong ko ang shot glass sa isa sa mga nadaanan naming lamesa.

"Si Stephanie nagpwesto satin d'yan, tutugtog daw kasi yung Anarchy."

Damn. Right.

Of course they're going to fucking sing, and I'm left with no choice but to fucking listen to it. Iniisip ko palang, gusto ko na agad tumalon sa building. Again. I'd rather slit both of my ears out with dental floss than listen to their crappy songs.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now