"Oh shit," mahinang ibinulong ni Linken pagtapos mahabol ni Zamika ang bola.
Hindi ako masyadong maalam pagdating sa rules ng volleyball pero pagdating sa mga position, sapat na sapat ang kaalaman ko.
Libero si Zamika, tapos si Lynpen nasa gitna ng net sa harapan, middle blocker. Sila tuloy ang madalas na nagkakaroon ng interaction sa loob ng game. Kapag hahampasin na ni Lynpen ang bola pababa, hindi ito hahayaan ni Zamika na tumama sa lapag.
"Nag s-swimming yung girlfriend mo, bro." Siniko ako ni Linken habang pinapanood naming paulit-ulit na iligtas ni Zamika ang bola.
She's a great player. Talagang sumasalampak siya sa sahig para hindi mapabayaan ang bola. Damn.. she's sacrificing her whole body just to save that damn ball.
Nalipat ang paningin namin kay Lynpen nang salubingin niya ng malakas na hampas ang bola para bumalik sa kabilang team.
"Angas ni Lynpen, pucha. Hoy, Van! Bat 'di mo sinabi saming may hidden talent pala 'to sa pag v-volleyball?!"
He's right, Lynpen's a great player too. Ang taas tumalon ng isang 'to, tapos bawat paghampas niya sa bola, ramdam kong malalakas lahat, walang tapon. Siguro kung hindi si Zamika ang libero sa kabilang grupo, malamang kanina pa tambak ang score nila.
Pumito ulit ang referee kaya nagsimula na ulit ang laro.
Hinampas ni Tamg papuntang kabilang net ang bola, siya kasi ang setter sa team nila.
"I feel like this ain't an intrams anymore."
Katulad ng mga nauna, nagpabalik-balik nanaman ulit ang bola sa dalawang team. Hindi pa nangangalahati ang oras pero ang intense na agad ng laban.
"Ako na naawa sa bola," pag j-joke ko kay Linken dahil kanina pa ito nasa ere.
Hindi ko alam kung tatlong minuto na ba ang lumipas simula nung mag set si Tamg. Hanggang ngayon, wala paring nakakakuha ng puntos sa kanila. Nakatayo na nga ang ibang audience e, inaabangan kung sino ang makaka-score.
My eyes just widened in shock when Zamika was the one who hit the ball next.
"Oh shit," laglag ang pangang naibulong ko pagtapos makitang si Lynpen ang matamaan nung bola.
Bumagsak ito sa sahig kasama nang pagbagsak ng bolang kanina pa nila pinagpapasahan. Because of what happened, sa team nila Zamika napunta ang score. Kaagad na nagsitalunan at nagdiwang ang mga ito because of their victory. But here I am, don't know exactly how to react.
Napipilitan kong nginitian si Zamika nang lingunin niya ako. Masaya ang mukha niya, pero ako, nag-aalangan.
"Pwede ba yung ginawa niya? Akala ko bawal humampas pabalik kapag libero posisyon mo?"
"Liberos are allowed to hit, but only in the back row, as long as they don't go over the 10-foot line and the ball isn’t completely above net height," Gail replied to what Linken said. "Come on, let's go check on Lynpen's condition."
Pinanood ko silang tatlo na tumakbo papunta rito habang naiwan naman ako sa upuan namin. Pupunta ba ako? Pero kasi.. si Zamika ang humampas, at girlfriend ko ito. Baka mapikon lang siya pag nakita ako.
"Bahala na nga!" I whispered to myself before running in their direction too. Hindi ko siya matiis, gusto kong tignan kung ano na bang nangyari sa kaniya. Nakita ko kasi e, sa bandang mukha siya natamaan nito.
Hindi ko na kinailangan pang sumingit papuntang harapan dahil kita ko sila kahit na nasa likuran lang ako. Nadatnan kong hawak ni Lynpen ang salamin niya, basag ang kabilang frame nito kaya napailing ako.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...