"Iniwan ako amputa." Padabog akong naupo pabalik sa lamesa namin.
"Haha! Kawawa! Iiwan ka talaga niya, baby niya 'yon si Van, e!" At lalong hindi nakatulong ang pang-aasar sa'kin ni Tamg.
Silang tatlo nila Linken at Gail, tinatawanan ako ngayon. Mas nakakapikon pa nang magtama ang paningin naming dalawa nung singkit niyang kaibigan. Ewan, wala namang ekspresyon ang mukha nito pero pakiramdam ko hinuhusgahan niya ako? Jinujudge sa utak niya? Yung siya lang nakakarinig?
"Anong tinitingin mo?"
"H-Hoy! Huwag mo ngang idamay si Kaori sa init ng ulo mo!" Pinagtanggol agad ito ni Tamg.
I rolled my eyes. Tingin-tingin pa alam nang badtrip yung tao.
Nakakahiya! Literal na nakakawala ng mood! Ang dami-daming nanonood saamin! Tapos yung ibang mga teacher, tumawa at kinilig sa kanilang dalawa. Anong nakakakilig dun? Nagmukha akong kontrabida!
Nag-iwas ako ng tingin nang makitang pabalik na ang dalawa sa lamesa.
Naiinis ako kay Lynpen. 'Di manlang siya nagdalawang isip na iwan akong mag-isa dun. E niligtas ko nga siya kanina sa group yourselves into three. Sa pagiging introvert nilang dalawa, 'di nila alam kung kanino sasama. Dapat kila Zamika na ako nun e, kaso nakita ko silang parang mga estatwang nakatayo kaya sinamahan ko sila.
Nakakairita talaga! Kung alam ko lang na gaganituhin nila ako, edi sana hindi ko nalang sila sinamahan kanina. Ako sana panalo ngayon, 'di kayo!
"Here." Ani Van, tapos ay may inilapag sa mesa at tinulak papunta sa'kin.
"Gagawin ko d'yan?"
"It's the prize. You want it, right?"
Tinulak ko ito pabalik sa kaniya. "Ayoko na."
"Plastic! Gusto niya talaga 'ya-" sinamaan ko ng tingin si Linken.
"Ayoko. Hindi naman ako yung nanalo, bakit ko kukuhain?" Sarkastikong tanong ko pabalik kay Van.
Wala akong pakialam kahit na magtunog immature pa ako rito, hinding-hindi ko tatanggapin 'yan.
"What a pride,"
"Shut up, Tamg." I glared at her.
"Come on! Are you mad because Lynpen left you alone and chose him instead?" Tanong niya sa'kin bago lingunin si Lynpen na nakatingin lang samin at umaakto na parang hindi siya ang pinag-uusapan. "Lagot ka, Lynpen! Galit si baby Sabrina sa'yo!"
"Ano ba, Tamg? Do you think you're funny?" I can feel my jaw clenched.
"Chill, why are you so pressed?"
"Cause you're damn annoying."
"Annoying? I'm just teasing you. Mas malala ka pa ngang mang-asar sa'kin. Ano bang problema mo? Pikon lang?"
I looked away. Hindi ko nagawang sumagot kaya tumayo ako at iniwan silang lahat na may mga nagtatakang mukha dahil sa inasta ko.
What the hell are you doing, Sabrina? Why are you acting this way? What's wrong? Tamg's right.. why are you so pressed about it? It's not like it's big deal...
At alam ko rin naman na si Van talaga ang bestfriend ni Lynpen, kaya bakit.. bakit pa ako nagulat sa ginawa niya kanina? It's normal. Silang dalawa naman talaga kahit nung simula palang. Silang dalawa ang original.
"Gusto mo maging tayo?" Tinanong ko ang katabing si Zamika.
We've been hanging out for almost three months. Grade 8 narin kami ngayon, kakatapos lang ng graduation last month.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...