CHAPTER 9: Weird Feeling

1.5K 103 6
                                    

Pagtapos ng nangyari, umalis narin agad si Zamika, pinauwi na kasi siya ng kuya niya e. Mukhang natakot nga ang isang yun na lumapit ulit sa'kin dahil doon sa ginawa ni Lynpen sa kaniya.

Ewan, magka-height naman silang dalawa pero sa tuwing nagdidikit sila, nanliliit ng sobra ang tingin ko kay Zamika. Actually, hindi lang sa kaniya e, sa lahat ng schoolmates kong tumatabi kay Lynpen. Mapababae o lalaki pa 'yan.

Siguro dahil matalino si Lynpen? Sa tuwing nakikita ko kasi 'to, halatang untouchable e. Yung 'di mo basta-basta makakausap kasi matatakot kang magkamali at itama ka niya? Tapos madalas pa siyang hindi nakangiti kaya lalong mahirap lapitan.

Nang matapos ang meeting nila, tumayo ako at sinalubong ang papunta sa pwesto ko na si Lynpen. Pero ganoon nalang ang pagtaas ng kilay ko nang agawin niya sa'kin ang bag niya at maunang maglakad.

"Lynpen!" Hinabol ko ito.

Luh? Ano nanamang problema niya? Wala akong ginagawa ah! Kung tungkol 'to sa kanina, nag sorry na ako sa kaniya. Bakit galit parin siya?

"Huy," hinawakan ko siya sa palapulsuhan bago pa siya tuluyang makalabas ng pintuan. "Galit ka ba?"

"Hindi ako galit." Umiling siya.

"Hindi raw.."

"Hindi nga."

"Lynpen. Ano ba?" Hinigpitan ko lalo ang kapit dito nang subukan niya itong tanggalin, tapos ay problemado siyang napabuntong hininga kaya tumaas ang kilay ko. Siya pa ngayon problemado?

"Let me go, Sabrina. I need to do something."

"Galit ka e,"

"I'm not."

"Oh? Bakit gan'yan ugali mo?"

"I don't know what you're talking about-"

"Lynpen naman.." I pulled her closer to me as I slightly pouted my lips, nagpapaawa effect. "Mag-aaway nanaman ba tayo? Ayoko na ng drama, please? Bati na nga tayo oh, gusto mo nanaman bang 'di tayo maging okay?" Marahan kong sinabi.

Kasi ako, ayoko.

Instead of answering my question, she just looked away, so I sighed. I looked around to see if someone was still here, when I saw no one, hinila ko siya papunta sa pwesto ko kanina at saka rito naupo. Nanatili naman siyang nakatayo habang malayo ang tingin, hindi ako tinitignan.

"'Di raw galit.. gan'yan ba yung hindi galit? 'Di makatingin sa'kin?"

Hindi siya sumagot kaya nakasimangot kong pinaglaruan ang kamay niya. Sumilay lang ang ngisi sa labi ko nang makaisip ng kalokohan. Ayaw mo akong kausapin ha..  sige, patutunugin ko nalang ang daliri mo.

"Ah!"

I chuckled. "Ano? 'di ka pa magsasalita?" Pang-aasar ko habang nasa kaliwang balikat ang hawak dahil hinampas niya ako rito.

Bakit ba siya nagagalit? Yung totoo? Napapansin ko lang kasi, sa tuwing nagkakaroon kami ng misunderstanding na dalawa, palaging may Zamika na involved. Nung una ay yung sa natapon niya yung tubig na bigay nito sa'kin, tapos itong pangalawa naman ay yung nag-ingay ako kasama nito. Hindi sa pagiging OA ha? Pero pakiramdam ko may lihim na galit siya rito.

"Fine. I'm sorry."

I was taken aback by what she said. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. 

"H-Ha?" I stuttered. She rolled her eyes, so a small smirk formed on my lips. "Ulit nga-" 

"Ugh, you're so annoying." Nauna siyang maglakad. Patawa-tawa ko naman siyang sinundan bago hawakan ang strap ng bag niya.

"Akin na po bag mo Miss, balik mo na po sa'kin." Kinagat ko pa ang ibabang labi ko nang ibigay niya nga sa'kin. Naks naman! Walang paligoy-ligoy ah?!

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now