"Doc, sabay tayo mag breakfast bukas? Ang aga mo laging pumapasok e." Sabi ng kapwa ko psychologist.
Tumawa ako. "G ba"
"Nice"
Kininditan ko na lang siya bago siya bumalik sa office niya.
It's lunch break and my next client is already waiting for their next turn.
Hindi ko talaga minsan maintindihan 'yung mga magulang na pinapa test mga anak nila sa psychologist e wala namang kakaiba sa galaw nila. Hallelujah.
Tinawagan ko ang kambal ko– Yes I have a twin, at talaga namang malaki ang pinagkaiba naming dalawa, bukod sa mukha.
Mabuti nga at sumagot ang gaga. Hindi siguro 'to busy.
"Padalan mo 'ko ng pagkain. Nagugutom ako." Panimula ko.
"Do I look like a chef to you? Just call mom or mama."
See? Ang bastos dahil hindi na ako hinintay sumagot, bigla na lang niya binaba ang tawag.
Baka nakakalimutan niyang ako ang ate? Mga three minutes ang agwat namin at ako ang nauna!
Wala akong choice kung hindi tawagan si mommy. Si mama sana kaso panget palagi lasa ng niluluto niya– It's a fact!
"Why?" Bungad niya sa kabilang linya. Napangiti ako.
"Hi mommy! I miss you... pati luto mo."
"Wait your mama outside your hospital. I'll send you food."
Ay talaga naman! Hindi ko pa sinasabi, alam na agad. Mothers knows the best talaga.
"Okay po. Thank youu!" Sagot ko bago niya ako binabaan ng tawag.
You guys can't blame me kung hindi ako kumukuha ng baon for my lunch. Lagi akong nagmamadali, duh.
Ayaw kong ma late, 'wag niyo akong igaya sa kapatid ko. Take note of it.
Tinatamad din kasi akong mag drive para kumain sa restaurant kaya nagpadala na lang ako. Tamad akong tao, okay? Kapag nga day off ko, laging tulog lang ginagawa ko.
"You don't have food?"
Nagulantang ako dahil may biglang nagsalita sa harap ko, hindi ko namalayang may nakapasok na pala. It was River, co-worker ko lang din.
"Ah meron, ipapadala lang ng mommy ko. Hinihintay ko nga e." Sagot ko.
Umupo siya sa isang upuan na nasa tapat ng table ko at naglabas ng lunch box.
"Sorry for not asking permission before entering."
"Okay lang! Sanay naman na ako, alam ko namang ikaw na agad 'yun." Ani ko.
River is my best friend... pero hindi ko alam kung kaibigan pa ba dahil kahit kanino sobrang lamig netong gagang 'to.
Schoolmate ko na siya mula highschool pa kami, unexpected nga na gusto niya rin pala maging psychologist noon kaya naging mag kaklase kami mula first years hanggang fourth year.
"I cooked. Can you taste it?" Sabi niya at inabot sa'kin 'yung kutsarang may nakatusok na chiken curry.
Kinuha ko iyon at tinikman. Dahan-dahan ko itong nginuya upang malasaan. Nanlaki ang mata ko dahil saktong-sakto sa panlasa ko ang lasa!
"Pasado" Sabi ko dito at nag thumbs up. Ngumiti siya nang maliit bago kunin 'yung tinidor na inaabot ko.
"It's for you sana kaso nagpadala ka pala ng pagkain."
Ngumiti ako sakanya. "Hindi mo kasi sinabi. Bukas, luto ka ulit, kakainin ko." I told her.
"I will"
"Uh... Elis"