"Ang lalim ng iniisip?" Page-epal ni River sa moment kong pagkatulala.
Napuyat kasi ako kagabi, hindi ko alam kung bakit. Maaga naman akong nag off to bed.
"Iniisip ko lang kung kailan ka mawawala sa buhay ko" Pambabara ko dito. Nakita ko kung paano sumimangot ang babae.
"Not until I die" Sagot niya.
"Oh edi– keme lang beh"
She laughed because of it na wala namang nakakatawa?
"Lunch tayo, kasawa pagkain sa canteen" Aya niya. Agad na lang akong tumango to freshen my mind na rin here in clinic, kanina pa kasi lumilipad isip ko. May ibon ata.
----------------------
"What do you want to eat?" River asked.
I shrugged my shoulder. "The same with you na lang... 'wag lang ampalaya."
Bitter gourd vegetable is her favorite food, sa lahat.
Narinig kong tumawa ulit ang gaga kaya binalingan ko eto ng tingin at sinamaan ng tingin.
I really hate ampalaya, okay?!
Mas gugustuhin ko na lang ata maghirap at magutom kung iyon ang ihaharap sa'kin.
Gladly she came back with a two roasted pork with rices and a sweet desert. Nginitian ko na lang eto nang ilapag niya ang mga binili niya sa lamesa.
Pagkatapos ay umupo na lang si babae sa harap ko. I served my utensils on my plate, at kumuha ng mga tatlong scoop ng kanin at hinati 'yung roasted pork.
I was about to eat nang mapansin kong nahihirapan si River sa paghati.
Binaba ko 'yung hawak kong kutsara at inagaw sakanya 'yung dish knife, at ako na ang humiwa. Nilagay ko na rin sa plato niya.
She smiled on me sweetly na kaagad kong nginiwian. "Thank you–"
"Walang meaning 'yan" Pa disclaimer ko kaagad kasi baka mamaya mag-assume nanaman 'yan.
She chuckled. "I know, as if naman I still like you?"
Umirap ako nang marinig iyon. "Said by the person who didn't pursue her dream course in college–"
"Kumain ka na lang" Putol niya sa sinasabi ko. I want to burst in laughter only if we we're the only one here.
Komportable naman akong pinagu-usapan ang pagkagusto niya sa'kin, ganon din naman siya. Minsan nga, ako pa mismo nanga-asar sakanya sa sarili ko mismo.
During our lunch eat, nag-usap lang kami tungkol sa trabaho, and our experience with our patients. Open naman ako kay River kaya nabanggit ko sakanya si Eve– except 'yung naging encounter ko sa bata kagabi.
Abala kong nginunguya ang kinakain kong roasted pork nang marinig ko ang usapan netong mga nasa tabi namin.
"Balita raw, studyante gumawa nung krimen kagabi?"
"Hindi rin naman imposible, kasi sa backyard ng REU–"
"Hey, you okay–"
Pinandilatan ko ng mata si River nang nawala ang tenga ko doon sa mga nagu-usap. Agad naman niyang nagets ang pinapahiwatig ko kaya nanahimik kaagad siya.
"Kung totoo man 'yun, shet, ang creepy naman... pero kung pogi rin naman 'yung gumagawa, ready to face death me"
Napangiwi agad ako nang marinig iyon mula sa babaeng may malanding tono. Hindi ko maiwasang mapalingon sa direksyon nila.