chapter 14

4.8K 113 31
                                    

"We can open the lights, nanginginig ka, pumpkin..."

Natataranta na ako kanina pa nang pinatay ko 'yung ilaw ayon sa kagustuhan niya, pero ayaw naman niyang buksan, tapos ngayon nanginginig na siya.

Mas lalo niya pa akong niyakap nang mahigpit without saying any words or go sign for me to open the lights.

"N-no... I-i want you t-to remove my p-phobia, please...." Ani niya, almost begging.

Wala akong nagawa kung hindi ikulong siya sa bisig ko. Tinanggal ko rin ang comforter na siyang tumatakip sa'min para makahinga siya nang maluwag.

After we eat our dinner earlier, we both did our night routine, at siya mismo ang nag-aya sa'kin matulog ako sa kuwarto niya. Tinotoo niya ang sinabi niya kanina.

But between us, I'm more afraid about her current situation now. As much as I wanted to stand up and open the lights, hindi niya ako pinapakawalan.

"Sshh... It's fine, it's fine." Pagpapatahanan ko dito. I caressed her head so somehow she can feel comfort.

Minutes had passed na ganon ang sitwasyon namin. She's fighting her fear, while I'm trying to calm her down.

Nagsisimula na rin akong manginig dahil sa pagkakataranta, but I manage not to show it. I'm her therapist, hindi puwedeng matakot din ako.

Hear breath turned normal again, hindi na rin siya masiyadong nanginginig, kumpara kanina. She buried her face more on my chest.

Sinawalam bahala ko na lang ang nararamdaman kong pagi-init sa magkabilaang pisngi ko dahil sa posisyon namin.

Gladly I wore a sport bra na medyo makapal kaya hindi ganon kanipis ang dibdib ko inside my thin pyjamas.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa sa panghihimas ng buhok niya, habang binabawi niya ang norma na paghinga.

"Are you okay now?" I whispered.

She nodded. "Y-yes..."

"Good, just breathe, pumpkin... breathe"

Sinunod kaagad naman niya ang sinabi ko, and I helped her, hanggang sa tuluyan na siyang kumalma, at nakatulog.

Kinaumagahan, balik sa dating gawi. Papasok siya, at papasok din ako sa trabaho.

It's Thursday today, bukas ang final exam niya for the 1st semester, so I'm planning to help her to review later night.

"Wag kang makulit, River, tarantado ka" Inis kong tugon dito na kanina pa ako inaabala sa ginagawa sa laptop.

"Ano ba kasi 'yan? How to help a person with a dep– Pfft!"

Agad nagsalubong ang kilay ko at padabog na sinara ang laptop ko na halos masira ko na.

"Anong nakakatawa?!"

Halos mamatay na si River– sana nga.

Paano ba kasi, nakahawak na siya sa edge ng lamesa ko at doon kumukuha ng suporta dahil sa pagtawa.

"Pfft! Y-you're– Hahahaha!"

"Tangina, inuna pa tumawa kesa sabihin ang sasabihin?" Nakangiwi kong tugon.

"You're literally a therapist and you'll search how to ease a depression?" Matawa-tawa niya pa ring tugon.

I mentally rolled my eyes straightly on her face. "Eh ano naman? Eh ano naman?! Ha?!"

"Wala–"

"Ano namang pake namin?! Anong pake mo?!–"

"Kalma oi!"

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now