'Yung totoo? Are we really okay? Or we're both hiding something with each other?
Pilit akong ngumiti sa receptionist. "Ah okay. Salamat."
I still managed to walk away confidently despite those confused look of people showing me. Some are even whispering to each other. They're looking at me like they're pitying me.
Halos takbuhin ko na ang distansya ko sa sasakyan ko dahil sa halo-halong nararamdaman. Nangingilid na rin ang luha at nagi-init na ang sulok ng mata ko.
Sobrang higpit na rin ng hawak ko sa paper bag at sa bouquet.
The moment I get inside my car, I still manage to control my self.
I bit my lower lip as I let my tears fall down on my face. Napahigpit ang hawak ko sa steering wheel bago yumuko.
The windshield of my car was tinted, pero mas gusto kong yumuko para tuloy-tuloy lumabas ang luha ko at para mailabas ko ang lahat bago bumalik sa trabaho.
"Ang oa mo talaga, Elisa." I said to my self while trying to wipe my tears, pero sunod-sunod pa rin ang pagtulo neto.
I laughed, pero nauwi lang iyon sa mahihinang hikbi. Inis kong tinampal ang pagpulsuhan ko, umaasang titigil na ang luha ko sa pagtulo.
Bakit ganon? Hindi na effective. I usually do it when I was young everytime I'm crying kasi effective. Kapag kinukurot ko tinatampal ko ang pagpulsuhan ko ay mas nangingibabaw 'yung pisikal na sakit kesa sa emosyonal, kaya ay nauuwi 'yung iyak ko sa galit sa sarili ko.
'Asan na? Bakit hindi na effective? Bakit umiiyak pa rin ako dahil sa emosyonal na sakit?
Or I'm just overthinking things? Kinulang sa assurance?
I need to hear her side. Hinayaan ko nanaman ang sarili kong kainin ng walang kwenta kong emosyon.
Nagtagal ako dito ng halos ilang minuto. Nang pakiramdam ko ay tumahan na ako at wala ng luha na lumalabas, I clean my face.
Using the wiped, pinunasan ko ang mukha ko, pagkatapos ay pinunasan ko naman ng tissue. I also applied a light make-up so they won't notice that I just finished crying.
Huminga ako nang malalim bago sinilip ang mukha sa rearview mirror. Nakuntento na ako sa looks ko kaya nagmaneho na ako pabalik sa clinic.
Nakarating na ako't lahat lahat sa clinic pero 'yung utak ko lumilipad pa rin. Iniwan ko na nga sa sasakyan ko 'yung bulaklak at tanging 'yung paper bag lang ang dinala.
Pagpasok ko sa opisina, naabutan ko doon si River na parang hinihintay ako. When she immediately saw me, she stood up.
I showed her my force smile, pero kaagad ding binawi when I don't feel like smiling at all.
"Bakit malungkot ka?" Tanong niya.
Ramdam kong gusto niya akong lapitan pero mukhang nagdadalawang isip siya.
Matamlay akong umupo sa swivel chair ko at nilapag sa ilalim ng lamesa 'yung paper bag. I already lost my appetite on eating.
"Ice cream tayo? May time pa naman." Sabi niya ulit. She's trying to light up my mood like what she usually do, until now.
"May pera ka?" Tanong ko.
"Wala. Kasya naman na siguro 'yung bente?" Her respond that made me laugh.
Narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa.
Who wouldn't laugh? Parang binabalik lang namin ang sarili namin sa highschool days namin. Mga anak mayaman pero laging limang piso o bente lang ang baon sa araw-araw na iniipon lang namin kasi umaayaw kami sa bigay ng magulang namin.