"Saan ka nagseselos?" Tanong ko pagkatapos ng napaka habang katahimikan.
Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta nagmamaneho lang ako.
Malapit na rin mag alas kuwatro. Wala pa akong tulog. Ayos, ayos.
I saw a hotel earlier sa google map which is near in Robinson Ilocos, the Viven Hotel.
Kaso nga lang ay hindi ko alam ang daan at nawala sa isip kong ipin sa google map, e kanina pa kami pasikot-sikot.
"The event"
"Huh– Paano– Teka, bakit mo alam?"
"I keep my eye on you, doc."
Pakiramdam ko tumaas lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa narinig. My hands started to feel cold.
"Stalker" Ani ko na lang na kunwari'y 'di apektado sa kalokohan niya.
Ano 'yun, camera everywhere?
"E bakit biglaan naman biyahe mo?" Tanong ko ulit.
"Gusto ko e" Tipid niyang sagot na ikinangiwi ko.
There's nothing wrong with it naman, it's just that it's so dangerous, buti nga at hindi napano e.
Hindi na lang ako umimik pa. Nakakatakot naman kasi talaga ang presensya niya, ayoko nang kulitin pa.
We arrived at the 3 star hotel which is the Viven Hotel at exactly 4 am in the morning. We checked in.
Separate room dapat, kaso naunahan ako ni Eve, and she get a king size bed in one room. Sino ba naman ako para umangal diba?
I carried our luggage all the way upstairs, I'm not complaining.
Hindi na nga namin inayos pagdating namin ang mga gamit namin, inaantok na rin talaga ako.
I took a half bath and changed my clothes. Gusto kong kausapin si Eve, pero natatakot pa rin ako.
So natulog muna ako para may energy akong manuyo. Hindi ko na nga siya naabutan matulog.
----------------
I groaned as a bright light struck my eyes. Tumalikod ako ng higa sa bintana o kung ano mang nagbibigay access sa araw at tinakpan ang mukha ko ng unan.
Kaso nga lang ay hindi na ako nakatulog pa dahil pakiramdam ko may dalawang mata ang pinapanood ako habang natutulog.
Once again, I groaned. Unti-unti kong minulat ang mata ko at ang cream color ceiling kaagad ang bumungad sa'kin.
I turn my head on my right side. Hindi nga ako nagkakamali. Bumungad agad si Eve na siyang prenteng nakasandal sa pader habang may kinakain na kung ano.
I forced a smile na paniguradong naging ngiwi na. "Good morning." I greeted with my husky voice.
"Good afternoon." Bati niya pabalik na siyang ikinabilog ng mata ko.
"What time is it?"
"2 in the afternoon."
Nagpabalikwas ako ng bangon, bago nilibot ang paningin ko.
This room is normal. Hindi tulad sa ibang hotels and resorts na sobrang enggrande, sakto lang 'to para sa'ming dalawa ni Eve.
"Kumain ka na?" I asked.
She nodded. "Yeah."
"Good–"
Hindi natapos ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko muna si Eve bago kinuha iyon.