A/N: I'm sorry for the so early update HAHAHKA. good morning, time check: 3:01 am.
-----------------------------------------------------------------
"Uh, ma una na ako ah" Paalam ko kaagad.
"Me too" Elaina nonchalantly said too.
"Wag niyo naman akong iwan..."
Hindi na namin pinansin ang pagmamakaawa ni Mama at nauna ng naglakad.
Veronica Kline Lexington, the woman who's crazy inlove with my Mama. Kahit halos pagbantaan na ni Mommy ang buhay niya, hindi niya pa rin tinitigilan. Kahit alam niyang may anak na sila.
Palagi na lang siya 'yung pinaga-awayan nila, kaya base pa lang sa tingin ni Mommy kanina, there's a huge argument is waving again.
O baka iba.
Hindi rin naman nagtagal nung nakapasok na kami sa hallway. Kaagad sumalubong sa'min ang mga mayayamang taong nagu-usap-usap.
They're all in their casual outfits. Bukas pa 'yan sila ng gabi magiging elegante, ngayon ay pina-prioritize nila ang chismis.
May mga politiko pa ang nandito, gladly the president of the country wasn't here, pero 'yung mga apo at anak niya na hindi pa parte ng politiko ay nandito.
"I'll find August, are you fine here?"
Nawala lang ang atensyon ko sa paligid nang magsalita ang kambal ko.
"Oo, okay lang" Sagot ko na isang beses niya lang tinanguan bago naglakad paalis.
Nilibot ko ulit ang paningin ko sa kabuuan ng hall. Ngayon ko lang na-appreciate ang ganda mula kaninang pumasok kami dahil na-istorbo ako sa mga tao.
The hall has golden color, and a big ceiling light. May kumikinang na gintong round stairs paakyat sa taas na sa tingin ko ay mess hall ng cruise.
The design was very old fashioned vintage, kaso puro gold lang ang kulay with a mixture of white and black for the flower design on the wall and the carpet.
Wala naman akong kilala dito, at talagang hinihiling kong wala akong makahalubilong Davis, except River and Doc Yumi.
Nilabas ko na lang ang cellphone ko para itext ang girlfriend ko.
: Varla Elisa
i'm in the hall. ang daming tao, where r u? imy:(
She seen my message that fast. Parang kanina pa hinihintay ang chat ko.
Pretty girl of mine😱:
Will go there. Where exactly part of the hall you were?
:Varla Elisa
sa entrance
Pretty girl of mine😱:
Stay there, wait for me.
Hinintay ko siya katulad ng sinabi niya. Hindi rin ako umalis sa pintuan. Tumabi lang ako nang kaunti para hindi nakaharang sa pinto.
"Oh, good to see you here, Doc Cenatar."
Napa-angat ang tingin ko sa taong nagsalita. Gusto ko na lang biglang irapan siya nang harap-harapan, pero hindi ko naman ugali 'yun kaya pinaskil ko ang pekeng ngiti sa mukha ko.