chapter 10

5K 125 25
                                    

Ninanamnam ko ang init ng kapeng dumadaloy sa lalamunan ko.

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Eve kanina, mas lalo akong binagabag. Hindi ako makatulog, shetekels, alas onse na ng gabi.

Tapos nag kape pa ako.

She wanted to own me, at hindi ako nakasagot. Wala akong nasabi. Maybe it's the effect of flabbergasted.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto niya. Para ako tangang nagmamadaling nilagok ang kape ko na kanina pa malamig.

Dahan-dahan akong lumingon when I felt her presence behind me. Hindi nga ako nagkakamali dahil sinalubong kaagad ako ng malamig niyang tingin.

She's presentably leaning on the wall patagilid at deretso ang tingin sa'kin. Ngumiti ako at kumurap-kurap. A nervous smile.

Dahil sa naging reaction ko ay bigla siyang umirap.

I bit my lower lip when my eyes went down on her exposed thighs. Naka suot lang kasi siya ng shorts button pajama kaya exposed na exposed ang hita niya. Muli akong napalunok.

Nanumbalik sa isip ko ang sinabi ni August at Elaina kanina.

"You're inlove"

"Inlove ka nga"

Am I inlove?

Wala naman sigurong kung anong rason kung bakit ganito na lang ako maka react near Eve. I will not be bother this much if I'm really inlove.

But the problem is... She's still student, and young for me

"Matulog ka na." Sabi ko nang mapansin kong umupo siya sa couch at binuksan 'yung laptop niya.

"Don't want to."

"Edi 'wag, bahala ka diyan" Sagot ko pero tumabi rin naman sakanya.

Ganiyan ako kabaliw.

"What's that?" Tanong ko nang makitang may ginagawa siyang kung ano sa laptop niya.

"Wala ka bang pasok bukas?" Dagdag kong tanong nang hindi inaalis ang tingin sa laptop niya.

"Meron"

"Matulog ka na. Bukas na 'yan."

Kukunin ko na sana ang laptop niya nang bigla niya itong nilayo. I glared at her pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay.

Hindi ko maiwasang hindi mang lambot when I saw her puffy eyes gawa na rin ng pag-iyak niya kanina.

I wiped her tears earlier, iyon na lang ang tanging nagawa ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Dahil walang gumagalaw sa'ming dalawa on our current position, I took it as a chance to snatch her laptop.

"Give me back my laptop!" Demand neto but I just shook my head.

Bahagya kong tinaas ang kamay kong hawak 'yung laptop para hindi niya maabot. Pilit naman niyang inaabot iyon.

She's trying her best to get it, pero sadyang mas mahaba lang ang kamay ko kaya hindi niya maabot.

When she's about to stand up, inunahan ko na. Mas matangkad ako sakanya kaya hindi niya pa rin maaabot ang laptop.

"You're so annoying!" Tili niya na siyang ikinatawa ko.

"Go to sleep now. I will not give you this." Banta ko pero hindi siya nagpatinag.

She's to eager to get her laptop na hindi na nga niya maabot-abot sa sobrang pandak.

"Uy gago– Fuck!"

I lost my balance. Muli akong napa-upo sa couch hawak pa rin ang laptop niya dahil bigla siyang humawak sa dibdib ko at tinulak ako.

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now