chapter 29

3.8K 88 5
                                    

A/N: maaabot ko pala 'to ng 30+ chaps

-----------------------------------------------------------------

Mabilis na nagbago ang expression niya nang hinarap ako. Kung kanina ay halos lumuhod na siya sa harap ng girlfriend ko at magmaka-awa, ngayon ay pinaskil na niya ang plastik niyang ngiti sa labi.

"Doc Cenatar" She responded.

I faked a smile before nodding once. "Is there any problem here?"

Nawala na sa isip kong kailangan pala naming itago ang relasyon namin sa magulang ni Eve.

Mas lalo ko pa pang hinigpit ang pagkakahawak ko sa bewang niya, kaya dumako doon ang tingin ng kaharap namin.

"N-nothing"

"Wala, love"

Sabay nilang tugon. Nagpabalik-balik tuloy ang tingin ko sakanilang dalawa.

I sighed. "Okay."

Magiliw ulit kaming tinignan ni Zoe– sa mga mata ko.

"I'll get going now. T-thank you, Eve." Ani niya.

Kumunot ang noo ko at magsasalita na sana ulit pero tinalikuran na niya kami. Nakita ko pa kung paano niya tinaas ang kamay niya sa pisngi niya animo'y may pinunasan.

Hinarap ko ang girlfriend ko. Kung kanina ay peke ang ngiti ko, ngayon ay totoong ngiti na.

"Tara na?" Panimula ko. Dalawang tango lang naman ang sinagot niya.

We walk towards my car. 'Yung sasakyang binili ko noon sa ilocos.

I was about to open the passenger seat for her nang hilain niya ang sleeve ng blouse ko.

"Hm? Why?" Tanong ko.

"Can I drive? I-i want to try." She answered.

I smiled. "Okay."

Nagpalit kami ng posisyon. Ako na ang pumasok sa passenger seat at umikot siya papunta sa driver seat.

Nakakaramdam ako nang kaunting kaba, pero mas nangingibabaw ang tiwala. Wala namang aksidenteng mangyayari, nandito naman ako.

"Do you know how to start?" I asked after I fastened her seatbelt, at ang akin.

"It's already open."

"Sabi ko nga" Natatawa kong sagot.

Hindi ko nga pala pinatay ang makina kaninang lumabas ako.

Sasabihin ko sana kung anong una niyang gawin, but I was stopped in mid-air when she expertly did what I usually doing to start driving or moving the car's backward.

The car is automatic kaya mabilis lang naman matuto kapag automatic ang sasakyan, but I wasn't expecting her skills.

"Marunong ka ba magmaneho ng sasakyan?" I asked out of nowhere while she's so focused in driving.

Napaka bilis niyang magpatakbo, kinakabahan pa ako kapag mago-over take because of her fast speed, pero nagugulat na lang ako nang maayos niyang nao-over take.

Sanay naman na ako sa fast speed. Ganito kaya mag drive mga magulang ko, pati si Elaina. Ako lang ang normal magmaneho, lahat sila abnormal.

"No" Sagot niya na siyang ikinalingon ko sakanya.

"Eh?" My usual reaction.

"This is my first time." Pagka-klaro niya.

Tuluyan nang nanlaki ang mata ko.

"How come?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Don't know." Her usual respond.

Pansin ko kapag nagtatanong ako, madalas ay hindi niya alam ang sinasagot niya, specifically when it's about her past, noong hindi niya pa ako kilala.

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now