chapter 8

4.9K 124 33
                                    

"How's my daughter, Doc Cenatar?" Asked by Mrs. Tafi.

I smiled. "Thank you for asking about your daughter's progress. I've noticed some positive changes in her behavior, such as letting her self open up, not just like before. This indicates that she is responding well to our therapy." Panimula ko.

"However, progress can sometimes be gradual, and there are still areas we need to continue working on, such as her thinking behavioral. It's important to continue maintaining open communication. I'm confident that with continued support, we will see further improvements." Dagdag ko.

Tumango-tango siya. "I'm happy to hear some progress about my daughter's condition, doc. Ang laki ng tinulong mo noong pumasok ka sa buhay niya."

Ngumiti ako. "As her therapist, masaya rin po akong makitang may pinagbabago na siya."

Tumayo na ako, ganon din siya. End of the month ngayon kaya ngayon din session ko sa nanay ni Eve to talk about her progress.

I handed my hand on her para makipagkamay, tinanggap naman niya. It's Saturday today kaya sasama si Eve sakanya, and I also need to go somewhere.

I had a deal with Eve when we stay in one place. Kada weekend o kapag wala siyang pasok ay uuwi siya sakanila.

Sakto dahil may pupuntahan din ako mamayang off ko, hindi ko siya masusundo.

About what happened yesterday when I found out about that medicine, parang nagka-ilangan kami bigla ni River, pero ako na ang unang kumakausap sakanya dahil hindi ako sanay.

I knocked on her office, narinig ko namang tumugon siya kaya pumasok ako dala-dala ang paper bag.

"I cooked."

I smiled sweetly at tinaas 'yung paper bag, waist level ko. Hindi ko na siya hinintay na tumugon at lumapit na ako sakanya.

Lunch break namin, as I mentioned earlier, hindi ko kasama si Eve.

Uuwi rin muna ako sa bahay para maglinis doon, almost a week din akong hindi umuwi.

"What's with the sudden?" Tanong niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay na as if sinusungitan.

"Bakit?"

She chuckled. "Why did you cook?"

"Oh pake mo? Gusto ko e. Tsaka dapat magpasalamat ka na lang, sa ganda kong 'to?" Tugon ko. Ngumiwi ako nang tumawa siya, akala naman may nakakatawa.

Nilapag ko ang paper bag sa lamesa niyang puno ng kung ano-anong papel, umupo ako sa upuang nasa kanan ng lamesa niya.

"Okay naman tayo, ano?" Pagka-klaro ko. Pakiramdam ko kasi talaga ay lumalayo ang loob niya sa'kin.

"Ha?"

"Wala namang kaso sa'kin 'yung gamot, River. Bakit parang umiiwas ka sa'kin?" Deretsahan kong tanong. Natigilan siya mula sa ginagawang paglabas ng mga container sa paper bag.

Lumingon siya sa'kin at pinakatitigan ako na parang sinusuri.

"Hindi sa'kin 'yun"

"Bakit may ganon ka?" Tanong ko ulit at pinagkrus ang dalawang braso ko sa dibdib.

"May tinutulungan akong pasiyente ko..." Tipid niyang sagot na naintindihan ko naman.

Tumango ako, knowing River, malambot puso niyan kahit sobrang lamig ng pananalita, hindi siya nagdadalawang isip tumulong.

"Kumain na tayo, nagugutom na ako" Sabi ko.

And we eat together. Pagkatapos ng lunch ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming trabaho. I have a two sessions this afternoon, kaya alas sais ang labas ko.

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now