"Jusko, ayaw ko na sa new patient ko. Ang sakit sa ulo." Reklamo ko agad kay River.
Gabi na ngayon at kakatapos lang ng second session namin ni Eve. Matalino rin talaga ang batang 'yun, porket type ako a-attend lang sa session namin para kulitin ako e.
Tamo, kapag ako inend nang wala sa oras session namin e.
"Bakit ano bang nangyari?" Natatawang tanong ni River.
"Wala, wala. Nevermind, I can handle her." Sabi ko agad, refusing to say my concern.
Should I say to Eve's mother na may sakit nga siya sa utak? Kung ano-anong sinasabi sa'kin, puro naman kalandian.
Alam ko namang maganda ako, may kamukha nga lang. Jeez.
Mabilis lang ang naging dinner namin ni River. Nagtanong lang naman siya about me, my health, and my life, ganon din ako sakanya at umuwi rin naman kami agad.
I brought my own car kaya hindi ko na siya inabalang ihatid pa ako, actually susunduin niya nga sana ako kanina but too late dahil nasa daan na ako kanina.
I live in a pent house, alone near the the place where I work. I chose to live alone after I got my job, umuuwi lang ako kila mommy kapag weekends.
Agad kong tinanggal ang heels na suot ko at dumeretso sa sofa bago hiniga ang katawan doon.
Pinikit ko ang mga mata ko dahil sobrang sakit ng katawan ko. Wala naman akong masiyadong ginawa ngayon bukod sa mga sessions ko sa mga patients ko.
I hissed when my phone beeped.
Kinuha ko iyon mula sa purse ko na nakapatong sa tiyan ko ang cellphone ko, at tinignan kung sino ang nag message.
Napaupo agad ako sa gulat at dinouble check ba kung totoo ang nakikita ko. Aba, napaka galing naman ng batang 'to?!
Evelien Tafi:
Hi
I'm so private in Facebook! kung tutuusin mas mabilis pang hanapin ang account ko sa instagram e.
Jeez, I admit, her actions are kinda creepy.
Varla Elisa:
How did you find my account?!
I pressed her profile picture. Wala siyang dp, wala rin ni isang post, pati cover photo o mga photos. Seryoso? Dump account ba 'to?
Evelien Tafi:
Strategies
Napairap ako sa chat niya. Nagtipa ako ng message na isesend sakanya.
Varla Elisa:
Kailangan ko ng matulog. Salamat sa oras na binigay mo sa pag chat.
Chat ko bago shinut down ang cellphone ko. Nakukulitan ako sa batang 'to, napaka lakas lumandi e twenty years old pa lang 'to! Gosh, can't she see our age gap?! I'm twenty seven!
Nawala tuloy antok at pagod ko e. Tumayo ako mula sa sofa at ginawa na lang ang night routine ko.
Pagkatapos ay pinilit lang din agad matulog dahil may trabaho pa ako bukas. Makikita ko nanaman siya.
-----
"Good morning, doc" Bati ng isang nurse dito. Binati ko pabalik ang mga bumabati sa'kin.
Nod, smile. Nod, smile. Nod, smile.
Hanggang sa makarating ako sa office ko. Pabagsak kong inupo ang sarili ko sa swivel chair.
Napangiwi agad ako nang makita ko ang sandamakmak na folders sa harap ko. It's either it's my patients status, o kaya mga problema dito sa clinic.