"Magaling ka na?" Bungad ni River pagpasok niya sa office ko.
"Gago" Tugon ko.
E halata naman kasing nanga-asar at hindi seryoso sa tanong niya.
Of course she know I took a sick leave to go with my sister, lalo na't na meet ko 'yung dalawang kapatid niya sa Ilocos.
Humalampak sa tawa si gaga. Ang aga-aga tinatarantado nanaman ako.
"Gawain mo rin naman 'yun, diba? May time nga na nag sick leave ka one month tapos malalaman ko nasa ibang bansa ka na?" Balik kong panga-asar dito, kaagad naman siyang natahimik.
Nakabalik kami dito sa Maynila kahapon ng madaling araw. Wala naman masiyadong nangyari noong hapon bago kami umuwi, we just admire the sunset and a little swim at umuwi na kami.
Nalaman pa ni Mommy na may bagong sasakyan ako, akala ko uubra na 'yung palusot kong matagal na 'yung sasakyan, not until she asked Tanjie, edi buking ako. Of course, pinagalitan ako dahil labing dalawang milyon at kalahati ang nagastos ko. Mama was even proud of me because of it.
"Sabi ni Ate Zoe, nagkita na raw kayo" Pagi-iba niya ng topic.
I nodded. "Oo, unexpected lang sa supermarket ng robinson." Sabi ko.
"Wala siyang sinabi?" Tanong niya. I lifted my head to see her before shaking my head.
"Wala naman bukod sa magkapatid kayo. Bakit, ano meron?"
Her eyes widened like she's expecting me to answer yes o kaya meron kaya ganiyan na lang ang gulat niya, afterwards, she shook her head.
"Wala naman." Ani neto. Tumango na lang ako.
Me and her sister isn't that close, kaya kung ano mang sinasabi ni River na may sinabi dapat si Doc Zoe ay siguro labas na rin ako doon.
"Kasama mo raw si Eve, one of your patients, right?"
Doon na ako tuluyang nagsalubong ang kilay, lalo na sa tono niya. Wala na 'yung nanga-asar na tono niya kanina at napalitan na iyon ng pagiging seryoso.
Then a memory of me eavesdropping her call with Eve's father flashed in my mind. River has connection with Eve's father, and she's assuring the man before that nothing is happening between me and her daughter.
Should I say the truth?
Nabanggit kaya ni Doc Zoey ang paghawak ko sa bewang ni Eve?
I'm so fucked up. Mahihirapang maniwala si River kung alam niya ang tungkol doon.
Bakit ba nawala sa isip ko iyong tungkol doon?
"Nagkataon lang din." Tipid kong sagot.
May ideya na ba si River na si Eve ang nagugustuhan ko? I didn't mention anyone everytime I talk to her about me being inlove.
Pero nabawasang ang kaunting kaba ko sa sunod niyang sinabi.
"Okay. Bakasyon naman kasi."
But still, it's not enough to reassure me.
Bakit ba kinakabahan ako?