No spoilers for this chapter.⚠️
:Varla Elisa
WHAT CONFIRMED?!
I.V:
Malalaman mo mamaya. Huminahon ka muna diyan, and give me your address. I'll fetch you later.
I gritted my teeth when I read her reply. Pagkatapos niyang buhayin ang dugo ko kanina mula sa tulog dahil sa sinabi niya, bigla na lang niya akong binabaan ng tawag?
:Varla Elisa
what the fuck is happening? bakit kailangan mo pa akong sunduin? may sasakyan ako. just give me the address for later. ako na ang pupunta.
I.V:
No. Wag ka ng makulit please lang.
O baka gusto mong ako mismo maghanap ng address mo?
:Varla Elisa
go!
Dahil sa inis ko, hindi ko sinasadyang maibato ang cellphone ko that cause it to break.
May ideya na ako kung anong sinasabi niya pero gusto ko nang mas klaro! Ayoko ng paligoy-ligoy. Nasabi na e, bakit hindi na lang sabihin 'yung full details?
Fuck it.
Sunod-sunod akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kung hindi nasasaktan, galit naman ang nararamdaman ko.
Bumalik ako sa library nang hindi man lang inabala ang sariling pulutin 'yung nasira kong cellphone ko.
Lumabas kasi ako kanina para pakalmahin ang sarili, and I also texted Ms. Veronica about it.
Buti na lang at ang spare phone ko 'yung nasira ko.
I roamed my gaze around the monitor screens, trying to find my girlfriend. Hindi naman ako nabigo nang makita ko siya.
She's all alone walking on the hallway at may dala-dalang paper bag na mukhang binili niya pa sa labas
They're staying in that hotel for almost 3 days now. Is that really a hotel or already a condominium one?
I rested my back on the backrest while watching her walking through the cctvs.
Kumunot ang noo ko nang may mapansin ako sa katawan niya.
She loss weight. Hindi ganiyan ang katawan niya noon.
Naalarma ako nang bigla siyang napahawak sa pader ng hallway at humawak sa ulo niya. Nakita ko pa kung paano humigpit ang hawak niya sa paper bag.
Fatigue
Sa sobrang paga-alala ko, kinakausap ko na siya through my mind animo'y naririnig niya ang sinasabi ko.
Get up, baby. You're strong.
Napahinga ako nang maluwag nung nakatayo na siya nang maayos at nagsimula na ulit maglakad.