chapter 12

4.8K 124 21
                                    

"Himala at nagkaroon ka ng interes sa mga halaman?"

Nginusuan ko si tita Maddi nang marinig iyon, para bang inaasar ako.

Tinotoo ko ang sinabi ko kahapon, since her wife– Tita Autumn has a deepest addiction in plants and flowers, nagpatulong na ako.

Wala akong kaide-ideya sa mga bulaklak, kaya heto ako't hinihintay si Tita Autumn dumating from her flight, susunduin siya ni tita Maddi.

Maiiwan muna akong mag-isa dito sa bahay nila since nasa school din si Lian, pinsan ko.

Day off ko today so I give my day to go here. Hindi naman ganon kalayo from the REU bahay nila Tita, hinatid ko pa kasi si Eve kanina bago dumeretso dito.

"Ano... hehe, pampalipas oras lang." Pagsisinungaling ko kay tita na nagbibihis.

Binigyan niya ako ng we? 'di nga? tingin.

Sinuklian ko lang siya ng nahihiyang ngiti. Napailing-iling naman siya nang may nanga-asar na ngiti sa labi.

Minutes had passed, nagpaalam na si Tita na umalis kaya mag-isa na akong naiwan dito. Wala silang maid o kahit personal driver.

Since I'm bored, napag-isipan ko na lang mag research ng mga bulaklak.

I tried to search Eve's personality, may lumalabas naman such as daisies and peonies.

Daisies symbolize innocence, purity and simplicity. Hindi naman ganon ka inosente si Eve, but her looks, yea.

Peony on the other hand is a color pink, perhaps, it's her favorite color since puro pink laman ng kuwarto niya.

Mga isang oras lang akong naghintay at nagsaliri dito sa bahay nila hanggang sa may narinig na akong ingay ng kotse sa labas.

I stretched my arms bago tumayo para salubungin sila. Naunang pumasok si tita Autumn wearing her airline's uniform.

Binigyan ako neto ng matamis na ngiti, ganon din ako sakanya. I gave her a beso bago siya nagpaalam na magpapalit muna.

Nakokonsensya tuloy ako, dapat pala mamaya na lang ako sana pumunta para rin makapagpahinga si Tita... pero nandito na ako, wala ng atrasan.

I waited again for another 10 minutes, nag-ayos pa kasi si Tita Autumn. Tita Maddi on the other hand prepared a snacks for us, hindi na nga nagpalit.

I stayed their for almost 3 hours. Wala naman akong gagawin, kaya inabala ko na lang ang sarili ko mag explore ng mga bulaklak.

Gladly, Tita Autumn didn't get tired of introducing flowers to me. I also told them my reason, tinadtad ako ng asar ni Tita Maddi, buti nandoon ang asawa niya to defend me.

Nang mag ala una na ay umalis na ako. Magi-stop by pa ako sa flower shop para bumili ng seeds, or kung wala ay kung saan na lang.

I decided to buy a seeds of roses, carnation, and hydrangeas flowers. Surely, it will take a year or years to bloom, pero kaya naman.

Bumili na rin ako ng flower pots, pagkatapos ay umuwi na ako. I changed my clothes before paying attention on planting.

Sinadya kong ilagay 'yung tatlong pot sa bintana ng kuwarto ko since deretso naman ang araw doon.

Pagkatapos ay naglinis ako, except sa kuwarto ni Eve. I can only clean her room if I have her consent. Since wala, hinayaan ko na lang.

Mabilisang lumipas ang tatlong oras. Alas singko ulit ang dismissal ng klase niya, so I'm already preparing to fetch her.

Tinatamad ako magluto kaya nagdala na rin ako ng extra cash, and my cards, sa restaurant o kaya sa carenderia na lang kami maghahapunan.

At exactly 5 pm, I arrived here in REU. Naghintay muna ako ng sampung minuto hanggang sa nakita ko siyang palabas na ng gate.

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now