chapter 11

3.7K 116 27
                                    

"River, paano mo masasabing gustong-gusto mo 'yung tao?"

Kasalukuyan kaming kumakain ni River ng apple na ninakaw ko kanina sa canteen since break time naman namin.

"Ha?" Tugon ni gaga.

Umirap ako bago kumuha ng mansanas na hinati-hati at kinain iyon.

"Ano bang nararamdaman mo sa'kin noon?"

Tila ba natigilan siya sa naging tanong ko, pero dahil dakilang makapal ang mukha ko, nagtanong pa ako.

"Nung nag develope nararamdaman mo sa'kin, anong mga nararamdaman mo?"

Hindi siya makapaniwala sa mga nagiging tanong ko, pero nginisian ko lang siya.

"Ikaw ba kay Nash? Anong nararamdaman mo?"

Kaagad nagbago ang ihip ng hangin nang marinig ko iyon mula sakanya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi man lang nagbago ang expression niya.

"Magka-iba 'yun" Sagot ko.

She sighed. "Ang corny naman kasi kung idedescribe ko gaano kita kagusto?"

Nginiwian ko siya. "Bakit, may nararamdaman ka pa rin ba sa'kin?" Nanghahamon kong tanong.

"Pfft, gago... wala na!" Sagot niya nang natatawa.

"Yun naman pala e, ano nga, paano?"

"Kapag nakakaramdam ka ng kaka-iba..." Panimula neto.

"Katulad ng?"

"Weird feelings? You know, you're starting to act weird. Nagsisimula ka ng gawin 'yung mga bagay na hindi mo naman ginagawa."

Then the image of me doing those action to Eve flashed in my head. That's when I realized, it's my first time doing those.

Kahit noong kami pa ni Nash, never akong nagbigay ng oras para maging sweet sakanya. Mas nag focus ako sa paga-aral at sa pamilya ko.

"...If you feel comfort and safe around that person, na ibang-iba sa mga kakilala mo."

Earlier when she hugged me, doon ako nakaramdaman ng kaginhawaan. Nawala sa isip kong pasiyente ko nga pala siya.

"Teka nga, Elisa. Inlove ka?"

Naputol ang pagi-isip ko nang tanungin iyon ni River. Binibigyan niya pa ako ng nanga-asar na tingin.

"Oo" Lakas loob kong sabi, walang bakas na hiya o panghihinayang.

Umawang ang labi niya at gulat na tumingin sa'kin.

"Woah, congrats"

"Thanks ha, ang sincere?" I sarcastically responded that made her chuckled a bit.

"Congratulations!" Pagu-ulit niya pero ngayon ay may sigla na.

"Baliw amputa"

Binato ko siya ng ballpen na kaagad naman niyang nasalo. Napa-iling na lang ako.

Napa-isip ako bigla.

What should I do? How will I express my feelings towards her? Should I start courting her? Pero parehas kaming babae.

I mean... Yes, I've tried being in a relationship with a woman before, pero masiyado pa akong bata noon, wala pa sa tamang pagi-isip. Hindi ko nga alam bakit umabot kami ng halos sampung taon.

I really don't have any idea how to confess my feelings in a romantic way to someone, since si Nash naman ang umamin noon at tinanggap ko lang.

Wait...

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now