chapter 4

5.6K 147 21
                                    

Sinubukan kong tawagin ang nanay niya pero pinigilan niya ako. Kaya wala akong choice kung hindi dalhin siya sa penthouse ko.

Kahit natatakot ay nagawa ko pa ring mag drive hanggang sa maka-uwi kami. Nung pumasok kami sa sala, doon ko lang nainag ang buong hitsura niya.

The fear and trembling on her hand are now gone, napalitan nanaman iyon ng seryosong expression.

"Anong nangyari?" Tanong ko habang binababad 'yung towel sa basin na may tubig.

She shrugged her shoulder. "I don't know."

"Boang" Bulong ko bago piniga 'yung towel.

I was about to dip it on her stain of blood, but she shove my hand away that made me frowned.

"Bakit? Are you okay?" I asked for the nth time.

She didn't answer, instead, she remain bow. "I need to go home."

Eh?

Kanina ayaw niyang tawagan ko magulang niya? What now?

"Okay" Tanging nasagot ko bago ko nilabas ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong blouse.

Hinanap ko ang contacts ko ang number na nanay niya sa list ng mga clients ko. Hindi naman ako nabigong hanapin kasi latest patient ko naman sila.

"Hello, doc? Good evening, bakit po?"

Lumingon ako kay Eve na nakatingin din sa'kin, halatang pinapanood ako habang nakikipag-usap sa nanay niya.

"Good evening too, Mrs. Tafi. I'm with your daughter tonight, and she asked me to fetch her here. Are you free tonight?" I formally said.

Hindi ako ganiyang tao, beh. Pero siyempre, inside work matter 'to, kailangan serious mode ako.

"Oh God, thank you Lord... she's safe. I'll send there our driver, doc Cenatar. Thank you po." Sagot niya sa kabilang linya.

"You're welcome, Mrs. Tafi." I responded, kasabay non ang pagpatay ko ng tawag.

Sinend ko 'yung address kung saan nila susunduin si Eve. Of course, hindi ko binigay ang specific address ko bilang privacy ko na rin.

Binalik ko sa bulsa ng blouse ko ang cellphone ko bago lumapit kay Eve.

"You need to remove the stains of blood on your clothes and body, Eve... 'Wag mong pag-aalalahin ang magulang mo." I said, but she just looked at me like didn't hear me at all.

Doon na ako napahinga nang malalim. Hahawakan ko na sana siya pero natigilan ako sa sunod niyang sinabi.

"Drive me home. I didn't say you to call my mother."

My forehead creased upon hearing that from her. I feel disrespected.

But instead of saying it, tinikom ko na lang ang bibig ko bago hinawakan ang kamay niya.

She didn't complain naman na kaya pinunasan ko na ang mga dugo sa katawan niya gamit 'yung bimpo na basa.

Seriously, kapag naalala ko kung paano ko siya naabutan kanina... nangingilabot ako.

I hate crime, I hate killing tragedy, basta may kinalaman sa karumaldumal na pangyayari. Ayaw ko.

"Doc..."

I raised my brows the moment she called me.

"What's your name?"

Mas lalo akong nagtaka dahil doon. Ang linaw linaw ng pangalan ko name plaque sa opisina ko, tapos hindi niya man lang nakita????

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now