chapter 15

4.8K 107 36
                                    

"Kiss na, doc! Dali na!"

"Stop, pumpkin. Pumasok ka na."

Kanina pa niya ako kinukulit, at kanina pa namumula ang pisngi ko dahil sa pinaghalong hiya at kung anong kilig.

"Mala-late ka na..." Sabi ko bago lumunok.

"And? Just a quick kiss, dali..."

I sighed. "Okay, fine." Pagsuko ko bago lumingon sakanya.

Abot langit ang ngiti niyang lumapit sa'kin na siyang ikinasinghap ko, I didn't expect that!

Mukhang natigilan din siya sa sariling aksyon nang halos magdikit na ang ilong namin.

Tumikhim ako bago pinatakan ng mabilisang halik ang pisngi niya, at agad akong tumingin sa bintana.

"O-okay na?"

"Y-yeah..."

At ang sunod kong narinig ay ang pabagsak na sarado ng pinto. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Tinignan ko ang mukha sa rearview mirror. Shit. Mukha na akong kamatis.

Parang tanga kong pinaypayan ang sarili, thinking na mai-ibsan ang pamumula ko. Uminom na rin ako ng tubig na nasa tumbler ko, pero pulang-pula pa rin ako.

Kilig na kilig?!

Dapat pala sa labi ko na hinalikan para first kiss ko na rin. Napaka hina talaga.

After kong ma-ihatid si Eve, dumeretso na ako sa condo ni Yashi to check her condition. So far, she's doing fine naman na, kaso nga raw ay inatake nanaman siya kagabi, hindi na raw nila ako tinawagan dahil kumalma naman after a minutes daw.

After ay umuwi na ako. Wala naman na akong gagawin sa clinic, and I already inform River about it.

The whole day in my condo, wala akong ibang ginawa kung hindi manood, kumain at matulog.

Abala akong kumain ng paborito kong mani nang biglang nag alarm 'yung cellphone ko.

Sinilip ko iyon.

10:28 am
HOY! SASAMA KA SA KAPATID MO

Kumunot ang noo ko. Anong sasama?

At doon lang pumasok sa isip ko ang anniversary ng AE legacy, kompanya ng kapatid ko.

Taon taon 'yun may selebrasyon, at palagi akong kasama, minsan sumusulpot na lang ako bigla sa venue kahit 'di invited. Nyahaha.

At ngayon, pinagi-isipan ko kung sasama pa ba ako. Bakasyon naman ni Eve, I won't spend her whole vacation with her. Papa-uwiin ko 'yun sakanila.

Nagkibit-balikat na lang ako bago hinanap 'yung contact ko sa kapatid ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip na ichat siya.

:Varla Elisa

bhielat, sama aq sa martez😘 tnx

I clicked the send button at kaagad ding pinatay ang cellphone ko. Hindi naman kaagad makaka reply 'yun, such a busy person.

Pinagpatuloy ko ang ginagawang pagkain. Binuksan ko na rin ang tv para irewatch 'yung mean girls for the nth time.

Sarap na sarap ako sa peanut, while other people out there are disgusted kesyo wala raw kalasa-lasa, tsk, napaka sarap kaya.

O baka bading lang talaga ako?

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now