2 days has passed...
Pagkatapos ng naging usapan namin bago siya umuwi sa bahay nila, medyo bumigat lang ang pakiramdam ko.
I didn't expect her to asked me that kind of request. Hindi ako sumagot, wala ulit akong nasagot.
It felt so heavy... I mean, wala pang kami pero bakit pakiramdam ko ay itatanggi na niya ako? Sa mga magulang niya.
I should accept it right? Besides, pinangako ko sa sarili ko na handa akong tumabggap ng panganib kapag siya.
Maybe I should stop thinking about it muna.
Hindi ko pinahalatang nasaktan ako sa sinabi niya, I forced my self to communicate with her better through via chats and calls since naka-uwi na siya sakanila.
I distract my self with my work. Nag request din ako ng 3 days sick leave dahil nga sasama ako sa kapatid ko bukas, or I guess mamaya?
Sick leave pero wala akong sakit. Gagala lang ako.
Dala-dala ang travel bag ko, mabilis akong umalis sa condo at tumungo sa condo ng kapatid ko. Sigurado naman akong nandoon siya sa mga ganitong oras.
Napag-alam ko mula kay Grace na siyang isa sa mga matagal ng receptionist ni Elaina kung saan ice-celebrate ang anniversary. Sa ilocos daw, at ngayong gabi ang biyahe papunta doon.
That bitch. Wala talaga siyang balak isama ako, hindi man lang ako ininform... pasensya siya, I have my own ways.
Pagdating ko sa condo niya, wala akong naabutan ni kahit anino niya sa loob. Himala naman ata?
Pinasok ko na rin ang office niya, pero wala talaga. Pati si Lily na pusa niya ay wala rin.
Nagkibit-balikat na lang ako bago tinungo 'yung daan papunta sa kusina niya. Nadaanan ko pa 'yung hot tub niya sa sala.
Naghanap ako ng mani, pero pati 'yun wala. Sinubukan ko na rin sa mga food store niya pero wala rin.
Napanguso na lang ako bago nilisan 'yung kusina niya. Halos walang laman, puro snacks lang.
Hind naman kasi madalas 'yung babaeng 'yun dito. Minsan ay sa opisina na niya natutulog.
Binuksan ko 'yung tv niya para ituloy 'yung naudlot kong pinapanood noong nagdaang araw.
--------------------
"Hi, kambal! Saan ka galing, aber?" Taas kilay kong bungad sa kapatid ko na kaka-uwi lang.
Tinaas niya si Lily. "I went to her veterinarian." Tipid niyang sagot bago binaba si Lily.
Tumakbo naman kaagad ang pusa papunta sa'kin at magiliw ko itong binuhat.
"Kamusta si August?" Unang tanong ko.
"Why are you asking about her? Do you like her?"
I shifted my gaze on my sister when I heard that. Hindi ko maiwasang tumawa nang malakas dahil doon, pati si Lily na buhat-buhat ko ay nagulat din sa malakas kong tawa.
"Ano ba 'yan, napagselosan pa e nagtatanong lang naman!" Tumatawa kong sabi na hindi ko sigurado kung naiintindihan niya pa ba.
"Then you should ask about me. I'm your sister." Sagot niya sa madiin na tono.
"Pake ko sa'yo, bhielat. Wala ka ngang pake sa'kin!" Pambabara ko dito.
Hindi naman ako nao-offend, ganon din siya. Bata pa lang naman kami, ang hilig na namin mag bangayan.
"Then what are you-"
"Sshh! Ako ang Ate, nauna akong ilabas ng 5 minutes ahead sa'yo, kaya sasama ako kahit ayaw mo." Ani ko bago hinalikan si Lily sa tuktok ng ulo niya.