"Evelien is the serial killer."
"Where's the evidence?" May diin kong tanong kay Ms. Veronica mula sa kabilang linya.
"I don't know. Pero gumagawa na ng aksyon 'yung mga pulis tungkol sa nakita. Makukulong din si Thaddeus." Sagot niya sa kabilang linya.
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Child abuse, abusive husband, at drug dealer." Sunod-sunod niyang sagot.
"What the fuck?! Alam na ba niya 'yung totoong ikaw?" I asked suddenly.
"No" Sagot niya na siyang nagpakunot ng noo ko.
"How? Paano mo nalaman 'yang mga 'yan without getting caught by him or anybody in their house?" Nagtataka kong tanong.
"Skills, darling. We investigators are well trained when it comes to secret moves, and hacking. Hinack ko lang old footage nila, then boom. I'm not called private investigator, without nothing." Ani niya, animo'y nagyayabang.
I nodded na hindi naman niya makikita. "I'll drop the call-" Natigilan ako sa pagsasalita nang inunahan niya ako. "Bastos"
Kanina pa ako nakatunganga dito sa living room. Waiting an update. Umaasa rin akong tatawagan na ako ng girlfriend ko, pero wala pa rin hanggang ngayon.
Until my impulsive thoughts won.
Tinawagan ko si River, nagbabakasaling nagsasabi si Zoe sakanya, o kaya kay Yumi.
"Yo. Why?"
"Uh... Do you know where is Zo- Doc Zoe now?" I asked.
"Hotel daw. Wala siyang sinabi na specific name ng hotel. Bakit? May problema ba?" She answered.
I heaved a deep sigh. "Ah okay, thanks-"
"Wait, don't hand up. Are you okay? Where are you? Do you want me to go there?" Sunod-sunod niyang tanong.
I love how clueless she is. Parang walang nalalaman sa nangyayari.
"Okay lang ako-"
"You sure? Yumi told me about... the killing crime." Dahan-dahan niyang saad na animo'y natatakot sa magiging reaksyon ko.
"Wala pa namang katotohanan 'yun, River. I'm also waiting for an update from the police and government." I emotionlessly informed her.
Simula kaninang sinabi ni Ms. Veronica ang tungkol doon at posted na sa social media 'yung picture at footage kung saan naganap 'yung crime, hindi ko pa iyon binubuksan. Natatakot akong baka totoo nga iyon.
Bakit ba ang sama naman ata ng tadhana sa'min ngayong buwan na 'to? Dalawang araw na niya kaming sinasaktan.
"Is she... with you?" She asked again. Narinig ko pa ang pagtama ng kutsilyo sa chopping board. Parang nagluluto siya.
Am I gonna tell the truth? Ano kayang magiging reaksyon niya... that my girlfriend is seeing her sister. She love her sister more than me. Ayokong magalit siya kay Eve, at ayoko ring magalit siya sa Ate niya.
"Yes. She's already sleeping." Was my answer.
"Good to hear. Did you guys already fix your misunderstanding?" She asked again. Ang gentle ng tono niya. Parang pinapahiwatig niya talaga wala siyang masamang intensyon sa mga tinatanong niya.
Hindi kaagad ako nakasagot. Nangangapa ako ng tamang isasagot, pero halos lumipas na ang dalawang minuto, 'yung utak ko nawawala pa rin.
"O-oo" A lie from my own mouth.