🔞Mild
"What are we doing here?" She asked, but I can see the amusement in her face as she roamed her eyes around.
Isang oras lang ang naging biyahe namin bago makarating dito sa dagat kung saan kami madalas pumunta ni Elaina noon when we stepped in college.
Swimmer kasi 'yun, sinasamahan ko lang kasi partner in crimes kami. Her body craves more under sea water, than a normal water that has chlorine.
"Matutulog, siguro?" Pilosopo kong sagot habang inaayos 'yung picnic blanket sa buhangin.
Kinuha ko 'tong mga gamit pang picnic kanina sa bahay para isahan na lang. Nag stop by na rin kami sa convenience store para bumili ng mga sweet candies.
And now, we're waiting for the food that I ordered to be arrived sa restaurant ng resort.
Kilala na ako dito, not just because of my surname but also because of my profession. Hindi na rin kasi mabilang sa isang taon ang pagbisita namin ni Elaina dito, tapos kilala pa ang pangalan namin saang sulok ng lugar.
"Seriously, what are we doing here? I'm too tired, I want to rest."
"Pahinga ka sa'kin"
I bit my inner cheeks to suppress my smile when she shifted her gazes on me. Bahagya pang namula ang pisngi niya.
Nakatayo siya at nakatitig sa kalawakan, habang ako ay naka-upo sa picnic blanket na inayos ko nang nakatuod ang aking mga kamay sa likod ko para suportahan ang bigat ko.
May porch swing bed naman sa tabi kung saan ko inayos ang mga gamit namin. Naka tali ang kama gamit ang makapal na rope na siyang nakatali sa apat na nagtataasang coconut tree.
Sakto kasing parang square shape 'yung mabubuo sa apat na puno, kaya nagtayo sila ng swing bed.
I also rented this bed for the both of us tonight, sure naman akong safe kasi may pang support mula sa mga lamok sa apat na surface ng kama, at pang takip.
'Di rin nagtagal ay umupo na siya sa tabi ko nang siguro mapagod na rin siya sa kakatanaw.
Nagsisimula na ring lumamig ang hangin, at lumaki ang agos ng alon dahil magga-gabi na.
"I used to dream in going places like this." Panimula niya bago dumukot nung ubas.
Lumingon ako sakanya but her eyes are closed, animo'y dinadamdam ang lamig ng hangin.
"Hindi ka pa ba nakapunta sa mga ganitong lugar?"
"Nakapunta, hindi lang kami nagtatagal. This one is new for me, it's so quiet, yet, the sound of a waves and airs are peaceful. Unlike other seas, laging occupied ng mga tao." She answered without opening her eyes.
"Gabi kasi"
I chuckled when she hissed. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mga bituin.
Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom, pero tiniis ko muna kasi masarap 'yung mga seafoods ng restaurant.
"What are we doing here?" Tanong niya ulit, na halos magsa-sampung beses na niyang tinatanong.
I couldn't find the right word to answer, kaya namimilosopo ako ng sagot, pero mukhang hindi siya titigil hangga't hindi nakakakuha ng seryosong sagot sa'kin.
"Bawal ba?"
I heard her sighed. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa'kin kaya lumingon din ako. Our eyes met, and I felt my heart beating so rapidly.
Umawang ang labi niya at akmang magsasalita na pero naputol iyon nang may magsalita sa likod ko.
"Good evening ma'am, here's your order."