chapter 3

6K 149 13
                                    

"Another killing?"

Napahinto ako mula sa paglalakad at pasimpleng nakirinig doon sa dalawang nurse na kasama namin dito sa clinic.

"Grabe, pangalawa na 'to. Serial killer na kaya 'yan?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinagot nung isa pang nurse.

Lumapit ako doon sa coffee maker machine na nasa likod lang nila. Actually sobrang init, wala nga sa isip ko magkape... pero para sa chismis, sige go tayo.

"Pamilyar sa'kin 'yung lugar... parang eto 'yung sa park malapit doon sa REU." Tugon nung isa.

"Hindi man lang natakot. Talagang nagawang pumatay sa park pa, sa madaming tao. Tsk, tsk."

"Shit..."

Napatalon ako sa sakit nang maramdaman ko ang init sa kamay ko. Napaso, amputek!

"Doc!"

"Doc C! Okay lang po kayo?"

Napakurap-kurap akong lumingon sa dalawang nurse pagkatapos kong hipan 'yung kamay kong namumula na.

I acted normal by smiling at them na parang hindi nakichismis.

Be wise sis

"Okay lang ako. I just went here to have some coffee. Kayo ba?" Nakangiti kong sabi.

Nginitian din nila ako parehas.

Lahat ng tao dito sa clinic, close ko. I mean, hindi ganon ka close, sakto lang para hindi sila makaramdam ng awkwardness around me lalo na't isa ako sa mga psychologist dito.

I'm an extrovert person, hindi ako sanay na may nahihiya sa'kin o kung ano pa. In short, hindi ako sanay na tahimik ang paligid.

"Break time po namin, doc. Dito po muna kami nagpapalipas." Sagot ni nurse Fe.

"Okay! Balik na kayo sa trabaho pagkatapos ng break niyo. Una na ako!" Masiglang tugon ko, hindi na ako nag-abalang kunin 'yung kape kasi hindi naman talaga ako magka-kape.

Agad na akong tumalikod sakanila at naglakad pabalik sa office ko.

Hindi ko maiwasang mapa-isip sa mga narinig mula sakanila.

Killing? Pangalawa na? REU?

Kung hindi ako nagkakamali... nung unang beses na may nai-news din na killing ay malapit din sa REU.

Edi iisang tao lang ang gumagawa non at malapit sa REU?

"Lalim ng iniisip ah"

"Anak ka ng pating! River!"

Sinamaan ko ng tingin si River na bigla na lang sumulpot bigla sa harap ko. Tawang-tawa pa ang hitsura!

"Ano nanamang kailangan mo?" Tanong ko sabay pabirong umirap.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman siya.

"Wala lang. Break time ko, wala akong makulit." Ani niya na siyang tinanguan ko lang.

Break time ko rin, lahat kami dito break time pero mas gusto kong magmukmok sa office ko tapos kausapin ko sarili ko.

Mas masaya kasi kausap sarili ko! Me and my intrusive thoughts, and the entire world!

Kung sa iba, baliw ang tawag doon, ako hindi. Sarili ko ang kakampi ko sa lahat, duh. Just me and my self.

Kaso nga lang umepal etong si River, edi wala na, wala na 'yung balak kong mag sarili sa office ko.

Pumasok ako sa office nang nakasunod pa rin si River sa'kin. Umupo siya sa spot kung saan madalas umupo si Eve-

Erase, erase! Ano nanamang ginagawa ng babaeng 'yun sa isip ko?!

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now