chapter 41

3.5K 82 16
                                    

What did I do wrong? Bakit parang biglaan naman ata?

Sinusubakan kong hanapin ang rason kung bakit siya nagkaganon, pero kahit anong halungkat ng isip ko, nau-uwi lang sa paglipad sa ibang planeta.

Kanina pa ako nakaluhod sa harap ng hagdan habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko.

She went upstairs earlier after she said those, hindi na niya ako hinintay magsalita, and it pains me more.

Bakit ang bilis naman sakanya bitawan ang mga katagang 'yun? Infatuated? No. I can't feel it.

After almost half an hour of shedding tears and kneeling infront of the stairs. Napagdesisyunan ko nang tumayo kahit may nararamdaman pa rin akong sakit.

Nawalan na ako ng gana kumain kaya dumeretso na lang ako sa taas. Sinubukan kong buksan 'yung pinto ng kuwarto namin, and I really thought she locked it, but she did not.

Nabuhayan ako ng pag-asa nang makita siyang nakahandusay na sa kama at tulog na tulog na.

Right, she's just drunk.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob, at lumapit sakanya. Parang namuo nanaman ang luha sa mga mata ko nang mahawakan ang basang-basa niyang mukha.

She cried.

Tumikhim ako nang maramdaman kong parang may bumara sa lalamunan ko.

Pinakiramdaman ko muna kung talagang tulog na siya bago siya dahan-dahang binuhat para ayusin ang pagkakahiga niya.

I gently removed her sandals before her blazer. Sa tuwing gagalaw siya ay napapatigil ako sa ginagawa.

Nang matanggal ko na, I went in our bathroom and closet to get her a new clothes, and a basin full of water with a mini towel.

Bumalik ako sa tabi niya. Nakahiga na siya ngayon nang patagilid and she's hugging the pillow so tight.

Huminga ako nang malalim bago hinawi ang basang-basa niyang buhok sa mukha niya gawa na rin ng pawis at luha.

Nilagay ko 'yung towel sa basin na may tubig at nilublob doon, pagkatapos ay kinuha ko at piniga bago marahang pinunas sa bawat sulok ng katawan niya.

I was trying to prevent my tears while wiping and touching her skin.

I also changed her clothes. I didn't dare to remove her underwears, tanging ang damit niya lang ang pinalitan ko.

After I finished, I fixed the comforter on the top of her. I planted a soft and long kiss on her forehead. Naipikit ko pa ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

I immediately wiped it before planting a kiss on her cheeks naman.

Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo para ligpitin 'yung mga ginamit ko.

I also did my night routine.

It's not the same everytime I'll do it. Kung dati ay nagmamadali ako dahil magpapalambing na ako, ngayon ay ang bigat na sa puso.

I also changed my clothes after.

Mabibigat ang yapak kong lumabas ng banyo. Pinakatitigan ko muna siya bago lumabas.

I don't have any plan sleeping beside her tonight. Ayokong mas lumala pa ang galit niya sa'kin paggising niya.

We'll fix this again, tomorrow.

-----------------------

Nagising ako nang maramdaman ko na ang pangangalay ng katawan ko.

I slowly opened my eyes. The railings of our second floor was the first thing I saw. Huminga ako nang malalim bago nag-inat-inat.

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now