chapter 37

3.6K 94 4
                                    

She finally shifted her gaze on me after she said those words.

"I won't offer you a money to stay away from her, but I'm hoping you willingly leave her." She said. Huminga siya nang malalim bago tuluyan akong hinarap.

"I trust you, I like you as her psychologist, her therapist, but not her girlfriend. Hindi pumasok sa isip kong may relasyon kayo dahil buong akala ko ay ginagawa mo lang ang trabaho mo, Doc." She smiled. "Ikaw lang ang unang therapist na nagustuhan ng anak ko, kaya nung naramdaman kong matutulungan mo siya, hinayaan ko siya sa piling mo... bilang therapist niya." Mahaba niyang alintana.

I nodded my head, saying to her that I understand. Isang minuto akong natahimik, gathering all my courage to tell what my heart beats.

"Nung una po, trabaho lang din talaga ang nasa isip ko noon. I admit, I was scared of her at first, she's the first person I encounter like that before. But your daughter confessed to me... I took it as a joke kasi masiyadong malaki ang age gap namin, at therapist niya ako. Not until she show me how much she likes me, until I fell inlove too." Pagpapaliwanag ko rin. Huminga ako nang malalim. "Mahal ko po ang anak niyo... at hindi ko maipapangakong lalayuan ko siya. Kahit umabot pa ng taon taon ang sakit na mararanasan namin, hindi ko siya susukuan." Buong puso kong pahayag.

"Paano kung siya ang sumuko?"

Doon na ako tuluyang nanghina. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman kong nag-init ang mga mata ko.

Tumingala ako sa taas kung nasan ang pinaka mataas na naka-kabit na canvas para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Hihintayin ko po. Hihintayin kong sumuko siya." I smiled in my mind. "Kapag siya na ang sumuko, alam kong hindi ko na kayang ipaglaban pa. Hindi ko kayang labanan ang anak niyo."

I heard her chuckled. "That's how love really look likes." Tipid niyang sagot.

Is it? Maybe. This is my first time loving someone that always drive me crazy. I started doing small efforts I don't usually do kasi wala naman akong pakealam sa ibang tao. Pero iba siya, iba ang girlfriend ko.

Hindi ako sumagot. Ilang minuto rin kaming natahimik.

Mrs. Tafi said those words gently, hindi siya naiinis, o nambabanta. Para bang pinahayag niya lang sa'kin ang opinyon niya tungkol sa relasyon namin.

"Hija..."

Lumingon ako sakanya nang tinawag niya ako. May ngiti ito sa labi. Hindi ako ngumiti, anumang oras ay tutulo na ang luha ko.

"Thank you for loving my daughter with all your heart. Pero..." She paused. "Hindi kayo nararapat sa isa't isa."

Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Bigla na lang siyang umalis, leaving me alone here.

I felt a one drop of tears fell on my cheeks kaya mabilis kong pinunasan iyon.

Hindi dapat ako puwedeng panghinaan ng loob dahil lang doon. Ayaw kong maisip ng girlfriend kong mahina ako para sa relasyon namin.

"Told you"

Mabilis kong inayos ang mukha at tayo ko nang marinig iyon.

Lumingon ako. Veronica's emotionless face welcomed me.

"Anong kailangan mo?" I rudely asked. Wala na akong pakealam kung nagmumukha na akong bastos sa harap niya.

"Nothing. I already told you yesterday about this, pero mukhang hindi mo pa rin hinanda ang sarili mo." Ani niya.

I sarcastically smirk. "Sino ka ba talaga? Ano bang mga nalalaman mo?"

"Just a mistress thing." Hindi seryosong sagot niya.

Test of Sociopath (CTR series #5)Where stories live. Discover now