Jhocey

3.7K 103 0
                                    

"Isa pa at susuntukin na talaga kita."

Ilang beses na nyang sinabi yan pero hindi naman nya tinutuloy. It's very evident na badtrip na sya but I can't help but to adore her even more.

Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja..

Kahit pangalan nya ang ganda. The most precious, beautiful, adorable person that I know and that I ever love.

We met first year high school sa isang dance competition. She's one of my opponent and ever since that day, ever since I laid my eyes on her, I grew fond of her. That's why I decided na magtransfer sa school niya and joined the dance club.

We bicker a lot. Pag nagkikita kami, patatagan na lang kung sino unang mapipikon at susuko. Hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko sya nakikita, nakakausap and higit sa lahat, naaasar.

I love how sassily she rolled her eyes out of annoyance. How cute she is whenever she crease her forehead, glare at me. Na kahit sobrang busangot sya, I find her even more attractive.

"As if naman kaya mong manuntok. Tignan mo nga yang katawan mo, ang payat mo. Kulang na lang mapagkamalan kang bamboo stick."

"Ahh ganon?!" Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya and started to aggressively approach me. Tumayo din ako bigla para hindi nya ako abutan.

Nandito nga pala kami sa school gym waiting for the others because we have dance practice. Sanay na samin yung mga club mates namin kaya walang nagtatangkang pumigil.

"Isipin ko na lang talaga na isa sa inyo may gusto sa sa isa." Sheena said habang hinahabol ako ni Stacey.

"Eww.. No! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Sheena. Bakit naman ako magkakagusto dyan. Panget na nga ang sama pa ng ugali." Sagot ni Stacey.

Ouch!

Before I could say anything, dumating na yung iba naming kasama pati na rin yung instructor namin. We started our practice until dawn. Wala kaming klase today because it's Saturday but since we have upcoming competition, we need to practice hard.

"That's it for today, all of you can go home na. Remind ko lang ulit kayo na 3 days na lang and competition na, I want you all to focus and condition yourself." Coach said then we all bid our goodbyes.

"Sino hinihintay mo Jho?" Tanong ni Mikha. I'm here outside ng gym. Nagpaalam na yung iba naming kasama but I stay since I know gabi na and Stacey still inside the gym.

"Wala. Nagpapalipas oras lang." Pagdadahilan ko pero mukhang di sya naniniwala.

"Sige, sabi mo eh. Just a bit of advice Jho, whatever you want to do, do it. Who knows, maybe it's worth it." She then left me dumbfounded. I don't know kung magaling lang bumasa si Mikha ng sitwasyon or maybe I'm that obvious na may gusto kay Stacey.

"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me hinintay mo ako para buwisitin ako lalo?!" Speaking of the beautiful devil. Humarap ako sa kanya with matching ngiti.

"Sabay na tayo. Parehas lang tayo ng way."

"No way. Sira na yung araw ko dahil sayo tapos pati ba naman gabi ko idadamay mo pa." Pagtataray nya then walk pass me.

Sinundan ko lang sya pero I kept my distance. I'm walking peacefully when she suddenly turn around and glare at me.

"Stop following me!" Bulyaw nya. She really look so pissed right now. Iba yung aura nya compare sa usual na reaction nya pag nag-aasaran kami.

"Wag kang assuming. Sabi ko diba parehas tayo ng way." I replied.

"I don't like you following me."

I heave a sigh then naglakad sa unahan nya. Minutes passed and we're still walking in silent. Wala akong naririnig na kahit ano from her so I decided to turn around and stop from walking.

She's walking with her head down which is very odd of her. Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad until she bumped into me.

"Bulag ka ba? Sa tangkad kong to di mo nakikita?" Pang-aasar ko pero she didn't react or say anything.

I was surprised hearing a little sob from her so I immediately put my hand on her chin to see her face.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala kong tanong.

"Ikaw kase eh.." Nagtataka akong tumingin sa kanya kasi wala akong maalalang ginawa ko or sinabi ko na magiging dahilan ng pag-iyak nya.

"Ha? Ako? Hindi naman ako pader para maiyak ka dahil bumangga ka sakin." I defensively stated.

"You're so mean to me. Ever since we've met, we did nothing but to fight and bickers. Bakit pag sa iba ang bait mo and caring pero pag ako, lagi mo akong inaaway or inaasar." Sabi nya habang umiiyak. Dun ko narealize na hindi ito about sa pagbangga nya sakin.

"Ano ba yang sinasabi mo? D ko gets." Pag-amin ko.

"Kanina sa practice, I saw how you treat Sheena. You always check up on her, ganun din sa iba. You always making sure na ok lahat and kinakamusta mo sila.." she wiped her tears and look at me directly.

I can see pain in her eyes and that kills me. I never meant for her to feel this way. "Bakit pag ako, parang ayaw mo sakin? Bakit ibang iba trato mo sakin kesa sa kanila? I always wonder if may ginawa ba akong masama sayo before, or did I offend you somehow. Bakit Jho? Bakit hindi ka mabait sakin? Bakit ayaw at galit ka sakin? May mali ba sakin?"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na yakapin sya. Ayaw ko syang nakikitang umiiyak. Nasasaktan ako ng sobra. I feel so guilty knowing na ganun na pala yung tumatakbo sa isip nya pero ako, I fantasize her reaction everytime na naaasar ko sya.

"First year high school.." I started. I slowly pull away from the hug to face her and tell her what I've been meaning to say since day one. I wiped her tears na tuloy tuloy sa paglaglag.

"Kalaban kita sa isang dance competition but instead of me wishing na ako yung manalo, I wished na ikaw ang manalo. I was so sad nung hindi ikaw yung nanalo.."

"2nd year high school I decided na lumipat sa school mo, so I can get close to you. I joined the dance club so I can get even more closer to you. I don't know how to approach you or how to interact with you so I decided na magpapansin sayo. Inaasar kita hindi dahil galit or ayaw ko sayo.. it's the exact opposite." Huminga muna ako ng malalim bago ko ituloy yung sasabihin ko.

"Gustong gusto kong nakikitang naaasar ka kasi I find you adorable. Kapag nagtatampo ka, I find you very attractive. Kapag nagsusungit ka, hindi ako naiinis or naooffend kasi I find you cute and sexy. Everytime I look at you from a far, smiling; laughing with your friends, yung puso ko hindi mapakali and nakikita ko na lang yung sarili ko na nakangiti habang nakatingin sayo."

"Jho.." she breathe out my name and hindi na sya umiiyak. She's staring at me intently like she's weighing if I'm being serious or not.

"I don't believe in love at first sight Stacey.. but I believe na gusto kita since day one."

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon