Gwencey

1.4K 43 4
                                    

"Gwen.. Gwenny.." nakita ko si Stacey papunta sa upuan ko. I'm here sa classroom and since magkaklase kami, araw-araw siyang may time na guluhin ako.

"What?" I coldly stated. Umupo sya sa harapan ko na parang sobrang laki ng problema nya. Nagbuntong hininga pa sya bago sumagot.

"I have a problem." Malungkot nyang sabi. "Super duper big problem." Dugtong nya.

"I already know this.." bulong ko sa sarili ko.

"Sobrang ganda ko Gwen.. nahihirapan na ako."

See? Araw-araw syang ganyan. Nasanay na ako sa kanya pero hindi ko na lang masyadong pinapansin.

"Kada na lang gigising ako, kada na lang titingin ako sa salamin, ang ganda ganda ko. Help me Gwen. Pano ba to mababawasan?"

"Stop bothering me with your nonsense Stacey. Bumalik ka na sa upuan mo." Seryosong sabi ko.

"Sungit mo naman. Ayaw mo ba nun? May magandang laging nagpapapansin sayo?" Nagtatampo nyang sabi.

"Stop it na. It's not funny anymore Stacey."

"Hmpp.. bahala ka dyan. Pag ako nagsawa, hahanap-hanapin mo din ako."

"As if." I monotone. Umalis na din sya and umupo sa totoo nya upuan.

********

"Himala, wala si Stacey ngayon." Sabi ng katabi ko. I roamed my eyes and wala nga sya. Napansin ko din na halos 3 days na simula nung huling kulit nya sakin. Kahit sa chat, wala syang paramdam.

Tapos na klase for today pero wala paring paramdam si Stacey.

"Hi Gwen." Napatingin ako dun sa bumati sakin.

"Hello? Do I know you?"

"No. I'm Aiah. You caught my attention kasi kanina pa. I thought you're really pretty and I'm just wondering if we can grab some coffee, if you're free?" Hindi ako sumagot sa alok nya. Hindi ko naman sya kilala. Although, mukha naman syang mabait, I don't trust people that easily.

"Wala akong hidden agenda. I just want to be friends with you. I already like someone na and hindi ikaw yun. Gusto lang talaga kita maging friend."

"Okay. You look mabait naman eh." Pag sang-ayon ko. Naglakad kami papunta sa pinakamalapit na café sa school namin.

After we arrived, we ordered and started small a conversations. She's older than me pala. Graduating na din sya and yung gusto nya is si Mikha-- yung team captain ng volleyball team.

"Ikaw naman magshare. Ako lang puro salita dito eh." Sabi nya.

"I have nothing to share in the first place." Tipid kong sagot. Tumingin ako sa paligid kasi I felt na may nakatingin sakin.

Hindi nga ako nagkamali. Stacey is standing near sa exit ng café looking at me. Hindi masyadong makita yung expression nya kasi she's wearing a hoodie. I know that it's her kasi I'm familiar with her figure.

Nagmamadali syang umalis and hindi man lang ako nilapitan gaya ng lagi nyang ginagawa noon.

It's weird kasi, kahit sino pa kasama ko, ano pa ginagawa ko, she always makes time para guluhin ako. Magsasabi sya ng mga random things sakin like for example..

"Gwenny! Look at my nails, they're pink! Ang cute no?"

Or...

"Gwen, kain tayo, libre ko na. Need ko comfort kasi yung teddy bear na inorder ko hindi pink yung dumating.."

Of course, I refuse. I always refused her invitation. Bakit? Hindi ko din alam.

"Gwen? Are you okay? Kanina ka pa nakatingin sa exit ahh.." tawag pansin sakin ni ate Aiah.

"I have to go, may puntahan lang ako. Thanks for this by the way." Dali-dali akong umalis and hinabol si Stacey pero hindi ko sya makita.

Since I know where she lives, I decided na dun na lang dumeretso. I know her house kasi nakapunta na ako dun before because of our group project.

Malapit lang sa school bahay nila kaya tinakbo ko na lang. Hindi ako palatakbong tao pero hindi ko alam bakit ko to ginagawa. Pwede naman akong pumara ng tricycle pero mas pinili ko to.

Humihingal ako nung makarating ako sa bahay nila Stacey. I immediately knock on their door waiting for someone to open it.

Kita ko sa mata ni Stacey yung gulat ng makita ako. "Gwen? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong nya.

"Bakit di ka pumapasok?" Habol hininga kong tanong.

"Tumakbo ka ba? Bakit ka hinihingal?" Pabalik nyang tanong.

"Answer me! Bakit di ka pumapasok?!" I impatiently asked na medyo napalakas na yung boses ko.

"Bakit mo ako sinisigawan?" She retort back. I composed myself first before saying anything again.

"Bakit di ka pumapasok? Bakit hindi ka nagmemessage? Bakit wala kang update kung ano na nangyayari sayo? Bakit bigla kang umalis kanina sa café na hindi man lang ako nilalapitan?"

"Ano naman sayo yun? Diba ayaw mong ginugulo kita? Mukha namang masaya ka dun sa kasama mo kanina ahh.. tsaka, para saan pa kung mag-update ako sayo? Wala ka namang pake diba?"

Hindi ko alam bakit ako nasasaktan sa mga sinabi nya. Bakit parang ang sama kong tao? The way she said those words na para bang sawa na sya sakin.

"Sino may sabi na wala akong pake? Did you hear it from me Stacey? Sinabi ko ba sayo na wala akong pakielam sayo?"

"No, pero you made me feel that way." Naiiyak nyang sabi. Lumapit ako sa kanya and niyakap sya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, maski ako nagulat din sa ginawa ko.

"I'm sorry. Hindi ko alam. I never meant na saktan ka. I'm sorry if ganito akong tao." Bulong ko sa kanya. I slowly pull from the hug pero I kept our close proximity.

"I'm just in denial pero I know to myself na lagi kong hinihintay yung panggugulo mo sakin. Malungkot ako kapag di mo ko kinakausap sa personal man or sa chat. Hindi ako sumasama sayo whenever you invite me kasi feeling ko mabo-bored ka lang sakin. Baka after you spent time with me, you'll realise na hindi ako masaya kasama."

"Gwen.. I don't know what to say.."

"You don't have to say something. Ang akin lang, please don't leave me hanging. Kapag galit ka, sabihin mo sakin, kapag malungkot ka, sabihin mo sakin. Kapag masaya ka or you're feeling good about yourself, sabihin mo sakin. Stop making me worried about you every time na hindi mo ko kinakausap." Don ko tinapos yung gusto kong sabihin then niyakap sya ulit.

"I was sick kaya di ako pumasok. Hindi ko rin magamit phone ko kasi ayaw ni mommy. Sorry din if hindi kita nilapitan kanina. I don't want to ruin your time with her." Sabi nya then niyakap din nya ako pabalik.

"Mas gusto ko company mo kasi kanino pa yan. I will never get tired of you Stacey, always remember that."

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon