Mabagal kong binuksan ang mga mata ko. Bumungad sakin ang maliwanag na paligid dahil sa liwanag ng ilaw sa loob ng kuwarto.
When my vision is no longer blurry, I noticed that I'm inside a hospital room. There's machine beside me and naka-dextrose ako.
Bumangon ako ng dahan dahan at nakita ko sarili ko sa salamin. I'm wearing a hospital gown and may benda yung ulo ko.
Hindi ko alam bakit ako nasa hospital. Napatingin ako sa may pintuan ng biglang bumukas ito. I saw a middle age woman and a man entering the room with a shock eyes.
"Anak! Gising ka na!" Malakas na sabi nung babae. Bigla naman lumabas yung lalaki at nilapitan ako ng babae.
"May masakit ba sayo? May kailangan ka ba?" Naluluha niyang tanong. Bigla niya din akong niyakap which caught me off guard.
"Sino po kayo?" Napabitaw naman siya sakin at tumitig. Sakto naman yung dating ng doktor kasama yung matandang lalaki.
The doctor examined me and told me na my condition is getting better. "Doc, bakit hindi niya po kami maalala?" Tanong nung yumakap sakin.
"She has amnesia. Because of the accident, naapektuhan yung part ng utak niya na ang trabaho ay kumilala ng tao."
"May chance ba na bumalik alaala niya?"
"We can't be certain. Some cases, bumabalik din ang alaala nila but for some, hindi na."
Nakikinig lang ako sa lahat ng sinasabi ng doktor. If I lost my memory, gaano karaming memories yung nakalimutan ko?
*********
"Maloi anak, ito kumain ka muna." Sabi ni mama. Pinakilala nila ang sarili nila sakin. Parents ko pala yung dalawang strangers kanina. Sinabi din nila na meron akong tatlong kapatid.
Hindi naman ako nahirapan mag-adjust kasi I'm comfortable around them. Maybe dahil anak nila ako kaya magaan loob ko sa kanila.
Medyo madilim na sa labas. Pinainom na nila ako ng gamot after kong kumain kaya ngayon, I'm ready to go to sleep.
I closed my eyes and let the spirit of slumber take my consciousness. Hindi rin nagtagal at nakatulog na ako.
*********
Kanina pa ako gising. Wala yung parents ko dito sa room ko kasi bumili sila ng pagkain at kinausap nila yung doctor for some update about my condition.
Tumayo ako at naglakad around sa room ko. Kaya ko naman na kasi my parents helped me yesterday. Huminto ako sa bintana ng room ko and pinagmasdan ang labas. Puro kotse at mga building ang makikita ko mula dito. Nasa higher floor ako kaya mas marami akong nakikita.
Napag-isipan kong lumabas ng kuwarto para naman mas ma-excercise ko yung mga binti ko. Hawak hawak ko parin yung dextrose stand ko habang naglalakad. I'm about to open the door when it suddenly open by another person.
Medyo nagulat pa ako dahil dun. Pero ang mas kinagulat ko ay may nakita akong babae sa harapan ko na nakasuot ng corporate attire. She's wearing a black pansuit and black stilettos. Her wavy luscious hair falls perfectly.
When our eyes met, halos mahulog yung panga ko because of how ethereal she looks like. She looks so fierce and intimidating, yet, it made her look so attractive. Nakatingin siya sakin na may halong gulat at pagtataka.
"Oh my goodness." Sabi ko. Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto ko pero nakatingin parin siya sakin.
"Bakit? May masakit ba sayo?" Nag-aalala niyang tanong.
"Ang ganda mo pero ang pogi mo din. Totoo ka ba?" Manghang tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ko siya.
Nakita ko naman siyang napangiti sakin. "Hala ka! Wag kang ganyan ngumiti ate baka mafall ako sayo." Pabiro kong sabi na may halong katotohanan.