Jhocey

841 38 1
                                    

What I love about my woman...

"Hoy, Jhoana! Ano naman itong nabalitaan ko na naglayas ka na naman?!" Galit na bungad sakin ni Stacey.

She's right. Lumayas ako sa amin. It's hard living in a house where no peace can be found. I'm exhausted about everything that is happening in my family.

"I just need time out, Stacks." I reason out.

"Time out? Isang buwan kang hindi umuwi sa inyo. Kaya pala ayaw mo akong puntahan ka sa inyo kasi wala ka doon. Kung hindi pa sinabi sakin ni Sheena, hindi ko pa malalaman."

"I'm sorry. Ayoko lang dumagdag sa problema mo." Sagot ko sa kaniya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hampasin ng libro sa braso.

"Ouch! Bakit ka ba nananakit?!" Pagrereklamo ko.

"Nakakainis ka kasi! Diyan ka na nga!" Galit na sabi ni Stacey sabay alis. Hinabol ko siya palabas ng gym ng school kung saan kami madalas tumambay.

"Stacks, wait lang." Nahinto kami sa may likod ng school dahil nahawakan ko siya sa kamay. Pumunta ako sa harapan niya and it's visible na galit siya.

"Bakit ka ba nagagalit?" Malumanay kong tanong.

"What are we, Jho?" Nabigla ako sa tanong niya. Medyo garalgal na rin yung boses niya.

"Girlfriends, partners, lovers."

"Partners. Dalawa tayo, Jho pero bakit sinasarili mo lang yung problema? Bakit hindi ako kasali?" Naiiyak niyang tanong.

My heart breaks seeing her this vulnerable. "Stacks.."

"We promised na we'll help each other sa lahat ng problema natin pero bakit ayaw mong ishare sakin yung iyo? Why do you have to be so selfish?"

"Don't push me away, mahal. I want to help you. Mahal kita at ayaw kong nakikita kang nahihirapan. We're in this together, so please lang.. if you have problem, share it with me. If I can't help you to find solution, at least let me be there for you."

I pull her towards me and hug her tight. I soothed her back to calm her down. "I'm sorry. Promise, hindi na mauulit."

********

It's my daily routine to wait for Stacku every after school. Sabay kasi kaming umuwi dahil hinahatid ko pa siya. Kahit na wala akong sasakyan, ok lang sa akin na gumastos ng pamasahe for her.

I saw my girlfriend in the midst of people. We've been together for two years now and I can still feel my heart beat hit like a drum. I'm so in love with her.

Tumingin siya paligid na para bang may hinahanap. Napangiti ako ng malawak habang pinagmamasdan ko siya. She's so freaking adorable looking for me.

When our eyes met, she glow like a star with her smile. She run towards me and I waited for her. She engulfed me with a hug and buried her face in the crook of my neck.

"Miss me that much?" I teased.

"Hindi no. Iniinggit ko lang yung mga tao sa paligid." She replied then pull herself away from me.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. She really won't admit na kinikilig siya. Stacey is not vocal when it comes to her feelings but she's very good at showing it.

"Kain muna tayo ng tusok-tusok before umuwi." Pag-aaya ko sa kaniya.

"Sus, ako na naman magbabayad ng kakainin natin. Gusto mo lang talaga magpalibre eh."

"Wag kang ano diyan, ako naman sagot sa pamasahe natin." Paglaban ko. She took my hand and initiate our walk.

"Pasalamat ka at gutom ako."

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon