Mikhcey

774 39 5
                                    

"Mikhs labas lang ako. May papasabay ka ba?" Tanong ko kay Mikha na currently naglalaro sa phone niya.

Nakadungaw ako mula sa pintuan ng kuwarto niya. Tumingin siya sakin and bigla niyang tinaas yung isa niyang kilay.

"Ganyan ang suot mo?" Mataray niyang tanong. Napatingin naman ako sa suot ko. I'm wearing an oversized shirt and a denim short. Natatakpan ng t-shirt ko yung suot kong short.

"Oo. May mali ba?" Tanong ko.

"Magpalit ka ng pajama. Maghanap ka ng sweatpants dyan."

"Ayoko! Ang init init eh. Dyan lang naman ako sa tapat ng condo mo." Sagot ko. Binaba niya yung cellphone niya sabay lakad papunta sakin.

"Mikha ano ba!" I exclaimed kasi bigla niya akong binuhat sabay bagsak sakin sa kama. Tinignan ko siya ng masama pero seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Ano ba bibilhin mo? Ako na lang."

"Naglalaro ka diba?" Bigla naman niyang kinuha yung cellphone niya ng marealize niyang naglalaro siya. Akmang tatayo ako para umalis sa kama ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

Hinila niya ako mas lalo sa kama and she trapped me using her arms. Bali nakasandal siya sa headrest ng kama niya at ako naman ay nakaupo sa pagitan ng mga hita niya habang nakasandal yung likod ko sa harapan niya.

"Ano ba Mikha Lim. Pakawalan mo ako." Sinubukan kong umalis pero pinigilan niya ako. Wala na akong nagawa at sumandal na lang sa harapan niya at pinapanood siyang maglaro.

Halos five minutes din kaming nasa ganung position hanggang sa matapos yung laro niya. I felt her kissing the top of my head then binaba yung phone niya.

"Samahan na kita bumaba." Sabi niya.

"Ayoko na. Nawalan na ako ng gana." Nagtatampo kong sabi.

"Sus. Gusto mo lang yakapin kita eh." Sagot niyang mapang-asar. Umalis naman agad sa pwesto ko sabay lakad papuntang kusina niya.

"Stacku dito ka lang." Malambing niyang sabi. Lumabas siya ng kuwarto niya at pinuntahan ako sa kusina.

"Videohan kaya kita na ganyan ka kaclingy and acting like a baby then send ko sa mga admirers mo. Ang angas mo pero ang lakas mo magpababy." Pang-aasar ko sa kanya.

Hindi naman niya pinansin yung sinabi ko. Lumapit lang siya sakin sabay yakap sakin mula sa likod.

She initiated yung paglakad hanggang sa makarating kami sa kuwarto niya. Humiga kami parehas sa kama niya. Humarap ako sa kanya then we cuddled hanggang sa makatulog kami.

********

Tumatakbo ako ngayon papunta sa school kasi late ako nagising. Ang dami ko kasing ginawang project kahapon tapos hindi ko pa mapantay yung eyeliner ko.

First subject ko pa man din si Mr. Gonzalez and ang rule niya sa mga malalate ay luluhod sa may tapat ng classroom habang nakataas yung dalawang kamay.

Nakita kong nakasara na yung pintuan. Sumilip ako sa bintana habang nakayuko and nakita kong nagtuturo na si sir. Napapikit na lang ako ng madiin kasi hindi ko alam kung ano gagawin ko.

"Ano ginagawa mo dito?" Muntik naman akong matumba kasi bigla-biglang nagsasalita si Mikha sa tabi ko. Medyo nakayuko din siya and tumingin sakin.

"Late ka din?" Tanong ko.

"Obvious ba?" Masungit niyang sagot. Bigla naman siyang tumayo with full confidence and lumakad para buksan yung pintuan. Sinubukan ko siyang pigilan pero wala akong nagawa. Nagtago na lang ako para hindi ako makita ni sir.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon