One thing I learned about love and life is, in order for you to find the happiness in life, you have to love and choose yourself first before others.
Hindi ko alam dati na dapat pala alam mo kung paano kontrolin ang sarili kapag nagmahal ka. If you don't, masasaktan ka lang.
Katulad ng nangyari sakin. I care too much, I loved too much to the point na ako din yung nasaktan sa huli.
She's my friend, my companion. I'm her refuge, I'm her escape. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kanya because first of all, she's a girl and I'm straight. Hindi sumagi sa isip ko na magmamahal ako ng babae. Secondly, she's in a relationship. Meron siyang boyfriend.
Nandito ako ngayon sa kuwarto ko habang gumagawa ng assignments. Tinignan ko yung phone ko and I saw Maloi message me.
Maloi: Ice cream tayo.
Alam ko na ang dahilan bakit siya nag-aaya ng ice cream kahit gabi na. They probably fought again. Lagi naman silang nag-aaway. Lagi niyang sinasabi na misunderstanding lang pero base sa nakikita ko, they are both toxic to each other.
Tumayo naman ako and kinuha yung phone and wallet ko. Lumabas ako ng kuwarto and nagpaalam kay mama na lalabas ako. I know naman kung saan kami magkikita ni Maloi.
Nakarating ako sa may convenient store dito sa barangay namin. I saw her sitting on a vacant table sa labas ng convenient store.
Nung makita niya ako, lumapit agad siya sakin and niyakap ako. I admit, I feel butterflies in my stomach whenever she hugs me. Dati walang malisya sakin, ngayon meron na.
"Ano naman pinag-awayan niyo this time?" Tanong ko pagkatapos namin magyakapan.
"Nakita ko may kachat siyang ibang babae." Malungkot na sabi ni Maloi. Hindi ako nagsalita. Nangyari na ito noon. She caught him entertaining other girls. Magbebreak sila panandalian then malalaman ko na lang na sila ulit.
"Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya sakin.
"Kapag sinabi ko bang hiwalayan mo na siya, gagawin mo?" Natahimik lang siya. "See? Sayang lang boses ko."
Kita ko lungkot sa mga mata niya. Hindi ko gustong makita siyang ganyan. "Sa bahay na lang ikaw matulog." Pag-aya ko. Nagliwanag naman yung mata niya.
She took my hand and hold it. Magkahawak kami ng kamay habang papunta kami sa bahay ko. Nung makarating kami, binati niya si mama then dumeretso na kami sa kuwarto ko.
Pinahiram ko siya ng damit and magkatabi kami ngayon. She scoot over closer to me. "I like being this close to you Aiah." Mahina niyang sabi.
Tumingin ako sa kanya and I saw her staring at me. Hindi ko mapigilan makaramdam ng kaba because of the atmosphere surrounding us. It's so intense na para bang inaakit ako nito.
Nagulat na lang ako when she suddenly kiss me on my lips. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko because of her action. Nagkaroon na ng girlfriend before si Maloi so I know na hindi na ganun kahirap sa kanya ang magkagusto sa babae pero hindi ko akalain na hahalikan niya ako.
Lumayo ako sa kanya ng konti sabay bangon. "What was that?" Tanong ko sa kanya. Bumangon na rin siya and humarap sakin.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Sobra akong naguguluhan. Gusto kita pero alam kong mali kasi may boyfriend ako. I've been wanting to do that matagal na kasi I'm starting to fall in love with you. Natatakot lang ako na masira yung friendship natin kaya pinipigilan ko yung sarili ko."
"May gusto ka sakin?" I absentmindedly asked. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat sa mga sinabi niya.
"Yes. Matagal na. You probably don't feel the same way kasi straight ka. But I really want to be honest with you. Gusto ko lagi kitang nakikita or nakakausap. I love spending time with you because you can make me happy just by existing."
