Mikhcey P.2

817 33 2
                                    

Nandito kami ngayon sa gym dahil may laro yung volleyball team. Si Mikha yung team captain so since I'm a good best friend, I'm here to support her.

Malapit lang yung pwesto ko and ng mga kaibigan ko sa bench nila Mikha. She doesn't know na nandito ako kasi pagkadating ko ay nagsisimula na yung game.

Whenever nagkakapoints yung team namin, sumisigaw ako along side with ate Maloi and Jhoana.

It's time for Mikha to serve the ball kaya nagcheer ako. "Go Mikha Lim!" Sigaw ko. I think I caught her attention kasi tumingin siya sa gawi ko. Kumaway naman ako ng bongga pero imbes na ngumiti siya sakin ay mas lalong naging seryoso yung mukha niya at parang naiinis siya.

Pumito yung referee then nagkaservice error siya. Hindi naman siya masyadong naapektuhan pati yung team namin kasi lamang yung school team ng sobra. Nagtaka yung coach nila Mikha when she signals time out.

Naghuddle sila pero imbes na sumama siya sa team, naglakad siya towards my direction. Sinubukan siyang tawagin ng coach nila pero dedma lang siya.

"What the hell are you wearing?!" Malakas niyang sabi which caught the attention of few people around us. Napatingin naman ako sa likod ko and sa gilid. Narealize ko ako yung sinabihan niya.

Tinignan ko naman yung suot ko. I'm wearing black leather tube and mini skirt. Mainit kasi kaya ganito yung suot ko.

"Get down there and meet me outside." Madiin niyang sabi. Walang paalam sa coach niya ay lumabas siya ng gym. Tinulak naman ako nila Jhoana.

"Yari ka girl. Sumunod ka na." Sabi ni Jhoana. Lumabas naman ako kahit na nakatingin parin sakin yung ibang mga estudyante.

Nasa labas na ako ng gym and I saw her na naghihintay sa may gilid. Walang tao sa paligid nung lumapit ako sa kanya.

"Bakit ganyan suot mo?!" Naiinis niyang tanong sakin. Kita ko sa mukha niya yung pagkabadtrip.

"Mainit kasi. And what's wrong with my fit? Ayos naman ah." Katuwiran ko.

"You're exposing too much skin."

"I told you, mainit. Alangan naman magjacket at sweatpants ako." I know she's being protective pero I know what I'm doing.

Naglakad siya palapit sakin. Kahit na may pawis siya, hindi siya mabaho. Huminto siya sa harap ko and rest her forehead sa balikat ko.

Our skin contact sent shivers in my system. "Palit ka po ng damit." She whispered softly.

"M-Mikhs" I stutter.

"Please. I don't want anyone to look at you like you're some prey." Nakapatong parin yung noo niya sa balikat ko. It's really rare to see Mikha this soft.

"Wala akong pamalit." Tinaas na niya yung ulo niya and tumingin sakin.

"Wait me na lang sa car ko. You have spare key right?" Tumango naman ako. "I'll finish the game as soon as possible then tambay na lang tayo sa condo ko." Wala na akong nagawa kundi sundin na lang siya.

Pumasok siya ulit sa gym at ako naman ay naglakad papuntang car niya. Ever since she confessed her feelings, mas lalo siyang naging protective and became more sweet. I let her court me and mag-iisang linggo na rin.

I remembered nung dinner namin with her parents, sinabi niya sa parents niya na may gusto siya sakin and balak akong ligawan. Hindi naman sa pagmamayabang but her parents likes me. Lagi nila kaming inaasar dalawa ni Mikha noon and they're happy about the news.

When I told Mikha she can court me, pumunta siya sa bahay ni mommy and pinagpaalam niya na manliligaw siya. Hindi naman tumutol si mommy.

Hinahayaan naman ako ni Mikha suotin yung mga usual na damit ko pero may mga pagkakataon talaga na hindi okay sa kanya. Just like what I'm wearing today.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon