"Stacks? Are you sure you wanna come?"
Magkavideo call kami ngayon ni Maloi. I'm currently in my dressing room waiting for my manager.
"Oo naman. I promise ate Aiah I'll be there sa kasal niya." Malumanay kong sagot.
I actually know why Maloi is extra cautious of my decision of attending ate Aiah's wedding. I tried not to think about it and kailangan kong ihanda yung sarili ko sa kung anoman yung mga mangyayari.
"You know she's gonna be there." Nag-aalalang sabi ni Maloi.
"Yes. And it doesn't matter. I'm okay now." Liar.
Natapos ang call namin ni Maloi and I closed my eyes. Hindi ko naman alam na sa oras na isara ko ang mga mata ko, alaala naming dalawa yung papasok sa isipan ko.
"Jho ano ba ginagawa natin dito?" Tanong ko. Nandito kami ngayon sa rooftop ng condo building namin. Kitang kita ang iba't-ibang kulay ng ilaw na nanggagaling sa mga building at mga sasakyan.
Binitiwan ni Jho ang kamay ko na hawak niya sabay lapit sa may harang ng rooftop. She smiled at me before looking in front.
"Gusto kita Stacey! Gustong-gusto kita!" Pagsigaw niya. My eyes went wide so I immediately rushed towards her and grabbed her hand to make her look at me.
"Ano ba Jhoana?! Para kang sira!" Pagtataray ko pero nakangiti lang siya sakin.
"I mean it. I really do like you.. heck, malapit na nga ata sa love."
"It's not a good joke Jho."
"Hindi mo man ako gusto, gagawin ko ang lahat para iparamdam sayo yung nararamdaman ko."
"Stacey, it's time for your final shoot." Dumilat na ako and tumingin sa manager ko na nakatayo malapit sakin.
Binalewala ko ang alaaalang sumagi sa isip ko at tumayo na lang. Sumunod ako sa manager ko para matapos ko na itong shoot ko na to. I'm a professional model and I'm currently working with Vogue Philippines.
As soon as makarating kami sa set, kinuhanan na agad ako ng pictures. After few pose, natapos din ang photoshoot kaya pwede na akong umuwi.
Dumeretso agad kami ng manager ko sa sasakyan namin and umalis na.
"I won't be able to attend any photoshoot for the next 5 days. Kasal ni ate Aiah and I'm taking a vacation." Sabi ko sa manager ko.
"I already cleared your schedule. Gusto mo ba samahan kita?"
"Hindi na. Lahat naman ng invited mga kaibigan ko eh and kaclose ko." After kong sumagot, pumikit na lang ulit ako para magpahinga.
Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa balikat ko. I opened my eyes and I saw na nandito na kami sa bahay.
Pumasok na ako at dumeretso sa kuwarto. Naghanap ako ng damit na pamalit. Dumeretso ako sa banyo and hot shower.
Habang patuloy na tumatama sakin ang tubig mula sa shower ay kasabay naman nun ang pagbalik ng alaala ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit, paano, at kung ano ang dahilan ng paghihiwalay namin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula na unti-unting pagkawala ng tamis at pagmamahal na namumuo saming dalawa.
"Ayan kasi, nagpapaambon kasi tapos pagod ka pa sa trabaho mo, nagkasakit ka tuloy." Sabi ko habang hinahanda yung gamot at mangkok ng sopas sa bedside table niya.
She's pouting her lips while looking at me like she's a child who just got scolded by her mother. "Wag kang magpacute dyan, hindi ka cute." Pang-aasar ko sa kanya.