I don't know how to properly interact with people. Never know how to socialize and have friends that you can be comfortable with.
As an introverted person, making friends is one of my major weakness. I'm already in college but I haven't found that someone na I can call true friend or my companions.
Maybe that's why mailap din sakin yung mga tao. They tend to label me as mataray, masungit or sometimes mayabang because I don't have friends, I always wear a poker face.
Can't blame them tho, hindi naman nila alam yung pinagdadaanan ko. Agree or not, people judge first before they discover and learn.
I always thought na magiging ganito yung buhay ko hanggang sa tumanda ako. Not until we crossed paths. Destiny? Fate? Coincidence? It doesn't matter. She's here and she brings color to my life.
I met her a year ago. She's my classmate sa biology and she talked to me. Every moment that I spent with her always in my mind.
Flashback
"Hi. Pwede mahiram yung highlighter mo?" Tanong ng katabi ko sakin. She's cute and look so bubbly. An extrovert person I can tell.
Tumingin lang ako sa kanya sabay abot ng highlighter ko. She smiled at me and I swear, she's the cutest thing I ever seen. "Thank you!" She cheerfully said.
Natapos yung klase namin pero hindi nya parin binabalik yung highlighter ko. Umaalis na isa isa yung mga estudyante pero ako, hindi ko alam pano ko kukunin sa kanya ulit yun.
Ilang minutes pa akong naghintay at mukhang di nya ibabalik so I decided na lang na wag ng kunin. Kaya ko naman ulit bumili nun.
Nandito na ako sa hallway papuntang locker ko when I heard someone yelled. "Sandali!" Hindi ako tumigil kasi baka hindi naman ako yung tinatawag.
"Tigil! Yung highlighter mo!" Dun ako napatigil at tumalikod patingin sa kanya. She stopped in front of me na medyo hinihingal.
"Grabe ka. Ambilis mo maglakad." She commented. She handed me my highlighter so I took it. "Bat di mo naman kinuha sakin. Muntik ko pa mauwi." Pabiro nyang sabi sakin habang nakangiti .
Hindi ako sumagot. I don't know kung ano sasabihin ko sa kanya. Sasabihin ko ba na hindi ko alam pano kunin sa kanya yun?
"Tahimik mo naman." Sabi nya. Mas lalo akong nahiya kasi sinabihan nya akong tahimik. Ayaw kong sinasabihan ako ng tahimik pero ganun talaga ang impression ng mga tao sakin. Silent one. The shy one.
I showed her a thin smile then tumalikod na. "Wait! San ka pupunta?" Paghabol nya sakin.
Huminto sya sa harapan ko kaya pati ako napatigil. "Kain tayo sa labas. My treat, tutal pinahiram mo naman ako ng gamit." Masaya syang nang imbeta pero bakit ako kinakabahan.
"I'm Sheena nga pala. You are?" She's waiting for my answer so I decided na magsalita na.
"Gwen." Tipid kong sagot.
"Gwen? Nice name. Tara na. Sama ka sakin. Promise tayong dalawa lang. I have this feeling na you prefer mas konting crowd eh." Sabi nya sabay kuha sa kamay ko.
Hindi ko alam bakit parang super comfortable nyang hawakan ako eh samantalang hindi naman kami magkakilala. Kahit na ganun yung sitwasyon, I let her drag me kung saan nya man ako dadalhin.