Jhocey

1.1K 54 5
                                    

"Stacks dali na kasi!" Pangungulit sakin ni Jhoana habang magkavideo call kami.

"Hindi nga pwede. Kulit naman ng bungo mo." Naiinis kong sagot kay Jhoana.

Gusto niya kasi lumabas kaming dalawa. Gabing gabi na kasi and medyo delikado na sa labas kaya ayaw ko siya pagbigyan. May klase pa kami bukas.

Si Jho nasa bahay nila and nandito ako sa condo ko which is sobrang layo ng pagitan namin sa isa't-isa.

"Punta na lang ako dyan sa condo mo."

"At ano naman gagawin mo dito aber?" Pagsusungit ko.

"Namimiss ko na si Cloud and Shadow. Bisitahin ko sila."

"Wala sila dito. Kinuha ni mommy." Bigla naman siyang nagpout at malungkot na tumingin sakin.

"Hindi ka cute Jhoana kaya tigilan mo ako. Kahit ano pa gawin mo, hindi pwede. And dagdag ko lang, gabi na kaya delikado na."

"Minsan na nga lang maglambing kokontra ka pa." Nakabusangot niyang sabi kaya napatawa ako ng malakas.

"Ewan ko sayo Jho. Matulog ka na." Hindi siya tumingin sa screen and mukha talaga siyang nagtatampo.

Hindi ko mapigilan na ngumiti because of how adorable she looks right now. "Good night na Jho. I love you."

Nakita ko naman na ngumiti siya ng bahagya tapos nagseryoso ulit ng mukha. "San I love you too ko?" Tanong ko sa kanya.

She looked at me side eyes and playfully rolled her eyes. "Bye na." Padabog niyang sabi.

"Ayy sige, ganyanan na Jho." Kunwaring nagtatampo kong sabi. "Bye." Then binaba ko yung tawag.

Maya-maya ay nakita ko siyang nagmessage sakin sa Viber and napatawa na lang ako ng malakas dahil sa text niya.

Jhoana: Bat mo inend? Hindi mo tuloy narinig yung I love you ko 🥺

Me: Good night na Jho

Nakangiti akong pumuwesto sa kama and nahiga. Having Jhoana in my life is one of the great blessings I received.

I still remember na first time na magkita kami. We're both auditioning sa school Glee club. We're in highschool that time.

Flashback

"Everyone! Thank you all for coming. In a moment, magsisimula na tayo kaya all of you, be ready and good luck."

Nandito ako nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa auditorium ng school namin kung saan yung audition sa glee club. I do have a passion for singing and dancing. Matagal ko na tong gusto and I'm hoping na matanggap ako.

I'm wearing an all pink outfit. Pink t-shirt, light pink color na denim shorts and sandals na walang takong pero may lace na nakapulot sa binti ko.

Nilibot ko yung mga mata ko and ang daming students na mag-aaudition kaya medyo kinabahan naman ako.

"Settle down people. We're about to start." Rinig kong sabi ng isa sa mga member nila.

"Gosh kinakabahan ako." Sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. She's wearing a white tube top with a cropped white blazer partnered with straight leg jeans and white shoes. She's also wearing specs.

"Ako din. I'm Stacey pala." I extended my hand and she smiled at me brightly. She took my hand and shook it.

"Jhoana. Good luck satin." Masigla niyang sabi.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon