I woke up in the middle of the night. Hindi naman ako nakatulog ng maayos dahil hindi ko rin naman kaya.
It's been six months pero ganito parin ang lagay ko. Every day, every minute, I can hear my heart beating like a sound of a heavy footsteps. It's still weighing on me like everything just happened yesterday.
Sinubukan ko, sinubukan ko lahat ng paraan para mabalik kami sa dati pero wala akong nagawang tama. I felt like everything is my fault but part of me still wants to see her in front of me and asking me to come back.
I'm reminiscing our time together. Lahat ng masasayang araw namin. Lahat ng ngiti, lungkot, tampuhan.
"Pwede ba? Maghiwalay muna kayong dalawa? Kakaumay kayo eh." Sabi ni Mikha na ikinatawa ng lahat.
Gwen wrapped her arms around me tighter so I stick my tongue out to my friends. They always admire my relationship with Gwen.
She's so understanding and so patient with me. She always listens to me kahit na ano pa yan. Rant man or chismis, she always spare time for me.
Kahit na busy siya sa trabaho niya, she always make time for me. We lived on the same neighbourhood kaya madalas din kaming magkita. Minsan sa bahay ko siya tumatambay and minsan ako naman sa kanila.
"You tired babe?" Bulong ko sa kanya. Galing kasi siyang work and dumeretso lang siya dito sa restaurants for mini reunion naming magkakaibigan.
"A bit." Malumanay niyang sagot. Gusto ko siyang magpahinga kaya nagpaalam na kaming uuwi na. although may reklamo sila, wala naman silang magagawa.
Ako na yung nagdrive papunta sa bahay ko. Doon ko na lang siya patutulugin. Hinayaan ko siyang umidlip saglit sa kotse and ginising ko na lang siya pagkadating namin sa bahay.
Nagpalit lang kami ng damit then dumeretso na kami sa kama and natulog na magkayakap.
"I love you." She whispered then kissed my forehead. Lalo akong sumiksik sa kanya and niyakap siya ng mas mahigpit.
"I love you more."
Pero, I realized, we're not that strong enough to hold on. Masakit lang isipin na sa halos pitong taon naming magkasama, hindi parin kami ganon katatag.
Walang cheating na nangyari. She's the most loyal person I know. But, even though how big her loyalty was, it's still not enough for me.
I know I'm the problem. Aaminin ko naman iyon. Sa dinami-raming pangako, assurance niya sakin, mas pinili ko yung utak ko na nagdududa sa kanya.
"Anong bang problema? Why are you being like this? I have told you many times, I'm not cheating on you!" Frustration lace in her voice.
Nandito kami ngayon sa kitchen ng bahay ko. She's never home. Kahit sa mismong bahay niya hindi ko na siya madalas makita.
Hindi narin kami madalas mag-usap and lagi siyang pagod kapag magkasama kami.
"I don't believe you. Lagi mo rin kasama yung babae na pinagseselosan ko." Madiin kong sabi. Bigla niyang hinawi yung buhok niya because of frustration.
"Fuck! Fuck!" She cursed. Hindi siya palamura pero grabe yung inis niya ngayon. I don't know if sa akin siya galit or sa sitwasyon natin.
"I got promoted diba? Mas maraming tasks akong kailangan tapusin. Hindi naman ako nagkulang sa pag-update sayo eh. During my lunch time ikaw din naman kausap ko. And Aiah is my department's head. Syempre lagi ko siya kasama sa mga meetings and projects ko."