Mikhaiah

2.5K 57 14
                                    

Lumabas ako ng kuwarto after kong maligo and magbihis. Huminga ako ng malalim ng makita ko ang sarili ko sa salamin.

"You look beautiful my love." Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling yung boses. Ngumiti ako ng makita ko si Mikha, nasa kusina nagluluto.

Lumakad ako papunta sa kusina at umupo sa upuan ng countertop. "You're going somewhere?" Tanong nya habang hinahanda ang pagkain na niluto nya.

"Yes." Tipid kong sagot.

"Can I come?" Parang batang nyang tanong. Natawa ako ng konti because of how adorable she looks.

"You're supposed to be there naman talaga." Sagot ko. Mabilis naman syang tumakbo para maligo and magbihis.

Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko. Umiinom ako ng tubig habang hinihintay ko sya. Ilang sandali lang, lumabas na sya ng kuwarto and dumeretso na kami sa sasakyan.

"Let me drive the car." Sabi ko sa kanya. Hindi naman sya tumutol. Dahan dahan akong nagmaneho while listening to music.

"Alam ko na pakiramdam na maging passenger princess." Pagbibiro nya. Natawa naman ako dahil sa kakulitan nya. She always says random things and she always makes me smile.

"Tumigil ka nga Mikha Lim. Puno ka ng kalokohan sa katawan."

"At least mahal mo." She retort.

********

Nandito na kami sa venue and nauna na si Mikha sa loob. Pagkadating ko, sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko.

"Ate Aiah." Pagtawag ni Maloi sabay yakap sakin. Ganun din ginawa ng iba.

"Ready ka na ba?" Tanong ni Gwen. Tumango lang ako then dumeretso na sa kung saan yung puwesto ko.

I slowly walk towards the small stage with a podium. I saw Mikha standing not too far from the podium giving me a big smile.

As soon as I reach the stage, I roamed my eyes to see all the attendees. To see our families and friends.

"Hello everyone." Panimula ko then cleared my throat.

"Thank you all for coming. I know you are all busy with your everyday lives pero binigyan nyo ng oras ang pagpunta dito for us to share the little moment that we have left before we buried my wife."

Tumingin ako sa gilid ko and wala na si Mikha sa tabi ko.. unti-unting namuo yung luha ko kasi hindi ko na sya katabi..

She's peacefully sleeping inside her casket..

The love of my life is gone.

"Hi Love. Nagising ako kanina na may mabigat sa pakiramdam. Habang sinusuot ko itong dress na bigay mo, I can't help but to cry kasi, I remember na ito yung favourite mong dress na lagi kong sinusuot. I saw you sa kusina kanina nagluluto but reality hits me na I'm just imagining you.. siguro kaya hindi ka rin tumutol na ako magdrive ng car kasi gusto mo ikaw lagi.. you're just a pigment of my imagination.."

I smiled bitterly looking at her casket. I turn my attention to our family then wiped my tears.

"Mikha, my wife.. the love of my life. Sya yung unang tao na nagparamdam sakin na worth it akong mahalin. She's caring, she's kind, she's gentlewoman, she always makes me happy and walang dull moment sa buhay ko when I'm with her. Kapag may tampuhan kami, kahit ako may kasalanan, sya yung nagsosorry.. wala, inlababo sya sakin ehh.."

Natawa naman yung mga tao sa last statement ko. Tumingin ako ulit sa asawa with love and pain.

"On our wedding day, you said in your vow na mamahalin mo ako hanggang kamatayan, di ko naman alam na ganun kabilis. Wala pa tayong 6 months na kasal iniwan mo na agad ako.." iyak-tawa kong sabi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak ng sobra. "Ang daya mo naman.. sabi mo sakin never mo akong sasaktan, never ikaw magiging dahilan ng pag-iyak ko pero ito ako ngayon, araw-araw umiiyak, longing for you..."

"I miss your touch, I miss your hugs, I miss your lips, your kisses, I miss yung kakulitan mo.. I miss yung mga paglalambing mo.. bakit naman ganun Mikha Lim? Bakit mo naman agad akong iniwan?"

Tuloy-tuloy na ang pagpatak ng luha ko and alam kong umiiyak na rin yung mga nakikiramay.

"I love you so much my Mikha. I don't know how am I supposed to live without you.. you're my life love.. I will do my best to be strong kasi yun yung lagi mong sinasabi sakin.."

"Sana if dumating na yung time na ako naman yung mawawala, please.. do everything that you can para ikaw yung sumundo sakin. If meron mang next life, ipipilit ko yung sarili ko mahanap ka lang ulit.. mahal na mahal kita Mikha."

Sinundo na ako nila Maloi pababa ng stage and dinala ako sa isang kuwarto para dun magpahinga saglit.

I checked my phone para tignan yung mga old pictures namin and conversations. Nakita ko yung video namin nung kasal, so I played it.

"Para saan yan?" Tanong ni Mikha.

"Wag ka na lang magtanong.. just say whatever you want to say para sa future nyo ni Aiah." Sagot ni Colet.

"Uhmm.. Hi love, I don't know when will you watch this pero gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Always stay strong and sana healthy ka lagi. I'm always here for you.. kahit kabilang buhay pa yan, lagi kitang mumultuhin para ipaalala sayo na you're worth it and you're the best thing that happened to me.."

"Bakit naman may pagmulto? Kasal to boy.." sabat ni Colet.

"Wag ka ngang epal.." pabirong sabi ni Mikha. "So yun na nga, sana magkasama tayo hanggang pagtanda. Mahal kita ngayon, bukas, at magpakailanman."

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon