Jhocey P.2

1.4K 65 3
                                    

"Tigilan mo ako Jho." Sabi ko then balik ng tingin sa TV. I admit, lumakas yung pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya pero knowing her, I bet she's just messing with me.

"Kinikilig ka naman?" Mapang-asar niyang tanong. Hindi ko siya pinansin kahit na part of me hoping na she mean it.

Assume pa Stacey!

Wala naman akong feelings para kay Jhoana. I only see her as my friend but lately kasi, mas madalas na siyang magtampo, maging clingy, tapos bumanat ng mga cheesy line. This action of hers makes me feel different kind of emotions.

"Kidding aside Stacks," she placed her elbow on the headrest of the sofa. Naramdaman ko parin na nakatingin siya sakin. Her head is resting on her palm while using her elbow as support. "I do mean it."

"Mean what?" I asked.

"I do love you." Ayan na naman yung puso ko, parang timang sa lakas ng kabog. I know naman na she loves me as a friend.

"I love you too Jhoana. Manood na lang tayo." I dismissively stated. Balik tingin ulit ako sa TV.

"Not as a friend." She caught my attention once more. "I do love you, as in you as a person." She confessed.

"Jho.."

"I don't know. Hindi ko alam bakit araw-araw gusto kitang nakikita, kasama. Kahit hindi tayo mag-usap basta magkasama tayo I'm fine with it. Hindi ko alam bakit kita gusto. Hindi ko alam kung kailan kita ginusto."

"Prank ba to? Sinasabi ko sayo Jhoana, sasampalin ko talaga yang bungo mo."

"It's not a prank. I know how soft hearted you are so I won't joke about this kind of topic to you." Nagulat ako kasi bigla siyang lumuhod sa harapan ko. She took both my hands and caress it.

"Can I court you?" Hindi parin ako naniniwala sa kanya. There's still a part of me trying to convince myself na she's just fooling around. She likes to flirt with me and I don't know on how extent she'll go through just to play with me.

"Tama na Jhoana. Umuwi ka na. Next time mo na lang ulit ako lokohin." Medyo malungkot kong sabi. Hinila ko siya patayo. Tinutulak ko siya palabas ng condo ko habang siya ay pinipigilan akong paalisin siya.

Tuluyan na siyang nasa labas ng unit ko. After I close door, hinawakan ko yung dibdib ko para pakalmahin yung puso ko. Part of me wants to believe Jhoana but there's a part of me na ayaw just to avoid pain.

*******

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Pagkuha ko ay nakita ko na wala pang alas-otso ng umaga. Wala naman ako pasok ngayon kaya hindi ko alam kung sino itong nambubulabog sakin.

Tumunog ulit yung phone ko and I saw Jhoana's name as caller's ID. Sinagot ko naman yung tawag.

"Bigyan kita isang minuto mag-explain bakit mo ako ginigising bago kita hanapin para sakalin." Naiinis kong sabi.

"I'm outside your unit. Open the door for me, princess." Nagising naman yung diwa ko sinabi niya kaya mabilis akong tumayo and tumakbo papuntang pintuan.

Pagkabukas ko ng pintuan, I saw her standing in front of me while her phone is still on her ear. She smiles at me when she saw me.

"Tanghali na bakit tulog ka pa. Alam mo ba kung gano ako katagal naghintay dito?" Mataray niyang sabi sabay pasok sa unit ko ng walang pasabi.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ang aga-aga mong nambubulabog?" Sabi ko pagkasara ko ng pintuan at sunod sa kanya sa kusina.

"Sabi mo next time na kita lokohin. Ito na yung next time." Napakunot ako ng noo sa sinagot niya.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon