Gwencey

858 33 3
                                        

"Ms. Sevilleja." Napatingin ako bigla sa professor ko na ngayon ay matalim na nakatingin sa akin.

"Is this the right time para makipagkuwentuhan ka sa katabi mo?" Her impassive voice sent shiver on my spine as her eyes still fixated at me.

All eyes on me. Hindi ko mapigilan na mahiya ng sobra dahil sa pagpansin niya sa'kin. May tinanong lang naman ako sa katabi ko about sa topic, so technically hindi ako nakikipagkuwentuhan.

"Answer me."

"Hindi naman po ako nakikipagkuwentuhan." Sagot ko. I heard a silent gasped from my classmates dahil sa pagsagot ko.

"You're telling me na sinungaling ako?"

"Hindi po. I'm just saying, you're wrong." Nakita ko ang pag-iling ng mga kaklase ko lalo na ng best friend ko. I know it's not a good thing na lumalaban ako sa professor pero I know my rights. Kahit na medyo kinakabahan ako, I know when to defend myself.

"Meet me at my office after class." She coldly stated. Sakto naman na tumunog ang  bell ng school kaya natapos na siya sa pagtuturo.

"Lakas ng loob natin na sagutin si Ms. Apuli, ahh.. tapang mo talaga, teh." Naiiling na sabi ni Jhoanna habang sinasabayan akong maglakad papunta sa locker ko.

"Bwiset kasi na bibig 'to. Pwede naman tumahimik na lang." Walang gana kong sabi. Lahat kami ayaw na pinapatawag ni Ms. Apuli sa office niya. She can be terrifying kapag nagsasalita.

"Paano ba 'yan? Una na ako. Good luck sa'yo. Fighting!" Pagbibigay ni Jhoanna ng lakas ng loob na may halong pang-aasar.

After kong mailagay sa locker ko ang aking mga gamit, dumeretso na ako sa office ni Ms. Apuli. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa pintuan.

"Come in." Rinig kong sabi niya mula sa loob. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko siyang nakaharap sa kaniyang laptop at parang may ginagawa.

Sinara ko ang pinto at naglakad papunta sa kaniyang table. "Take a seat." She monotone. I obeyed her and sat on the vacant seat in front of me.

"Look, if you're going to reprimand me for talking back at you, I'm sorry. Wala naman po sa intensiyon ko na sagut-sagutin ka." Panimula ko.

Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin nang malalim. "Saang restaurant mo gusto kumain?"

I was taken aback of her statement. "Sorry?"

"I said, saang restaurant mo gusto kumain?"

"Why would you want to know?"

"Mom wants to have dinner with us. I can cook naman sa bahay kung ayaw mong sa restaurant tayo kumain." She calmly stated.

The realization hits me. I'm arranged to this woman. I'll be her wife after graduation. Bakit ko nga ba laging nakakalimutan? Well, sino ba naman kasi maniniwala ba ang terror naming prof ay future asawa ko.

"K-kahit sa bahay na lang. I know mas okay kay tita na kumain ng lutong bahay." Sagot ko sa kaniya.

"Alright. Just be home before 6pm. Your class will end at 4pm so you still have time to prepare."

"Okay." Tipid kong sagot. "So hindi mo ako papagalitan dahil sa pagsagot ko sa'yo kanina?" Dagdag kong tanong out of curiosity.

"Do you want me to scold you?" She asked in a challenging voice.

"No. Thank you." Mabilis kong sagot.

"You'll be my wife. You have the right to correct me and defend yourself. Just make sure next time, if you have something na hindi masyadong naiintindihan sa class ko, ask me personally. I'm willing to teach you the way na mas maiintindihan mo."

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon