Nandito ako ngayon sa classroom at naglilinis mag-isa bilang parusa. I was late to come to school kanina and it was my third strike. As for my punishment, I'm the only one who's going to clean the classroom.
"Can you not bounce that ball on the wall? It's irritating." Reklamo ko. I forgot to tell you, I'm not alone. Mikha's here.
Mikha just looked at me then continued bouncing the ball on the wall. "Pwede ka naman umalis. You don't have to sit there and witness my downfall."
"I'm good. Gusto kong nakikita kang nahihirapan." Nakangiti niyang sagot. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umirap dahil inis ko sa kaniya.
"Just say it, Mikha." Sabi ko pagkatapos kong huminto sa pag-aayos ng upuan.
"Say what?"
"You love watching me. You find me interesting."
Bigla siyang tumawa ng malakas habang nakatingin sa'kin. Once again, I rolled my eyes at her. "Hoy, assuming ka! You're not that interesting."
"Then bakit hindi ka pa umaalis?" Naiinis kong tanong.
"Mainit sa labas. Dito muna ako, may aircon." She deadpanned.
"Suit yourself. Lamigin ka sana ng sobra hanggang sa magka-hypothermia ka." Mahina kong sabi pero sapat para marinig niya.
"You can't even spell hypothermia. Don't use it in your sentences." She said, unimpressed and sarcastic disappointment is written on her face.
"At least hindi mo ako katulad na hindi alam kung paano magsintas ng sapatos."
"Why would I care how to tie a lace kung meron naman sapatos na hindi kailangan ng sintas?"
Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko naman na walang patutunguhan ang pagbabangayan namin.
After ilang minuto, natapos na rin akong maglinis. Kinuha ko ang bag ko sabay labas ng classroom para makauwi na ako.
Napansin kong sumusunod sa'kin si Mikha kaya tumalikod ako para harapin siya. "Crush mo ba ako? Bakit ka ba sumusunod sa'kin?"
"Ikaw na talaga ang reyna ng pagiging makapal ang mukha. Hindi ba pwedeng 'yung way ko ay same ng sa'yo?"
"Sige nga, saan ka pupunta?" Panghahamon kong tanong sa kaniya.
"Why would tell you, mamaya sundan mo pa ako, eh."
"You know what, I'm tired and I don't have time for you. Just be a lamb and get lost." Nagtitimpi kong sabi. Iniwan ko na siya at hindi na hinintay na magsalita pa.
******
"Pengeng baso, kuya." Napatingin ako bigla sa pamilyar na boses na nagsalita sa tabi ko.
"May galit talaga sa'kin ang langit. Bwiset na nga akong buong araw, nakita pa kita." Mahinahon kong sabi pero rinig sa boses ko ang pagod at kawalan ng pag-asa at pagkadismaya.
Hell week kasi ngayon. I'm thankful na these past few days hindi ako binulabog ni Mikha. Out of all days ngayong linggo, itong araw na ito ang worse dahil bukod sa pinagalitan kami, hindi tinanggap ang research papers namin, nagkaroon pa ako ng regla.
"Don't you know?" Mikha asked pagkasubo ng fishball sa bibig niya.
"Know what?" Walang gana kong sabi sabay subo ng kikiam.
"God sent me to cheer you up." I grimaced at her because of her statement.
"God? Baka si Satanas nagpadala sa'yo. Kumukulo lang dugo ko kapag nakikita kita."
She closed her eyes, showed me a toothless smile while shaking her head slowly. "You're wrong. God blessed me with beauty kaya I need to share it. Just look at me admire my pretty face to relieve your woe."
