Jhocey

2K 63 0
                                    

"Pano pag hindi nila ako nagustuhan? Pano pag pinaghiwalay nila tayo? Anong gagawin natin Jho?" Sunod-sunod na tanong ni Stacey habang nasa byahe kami.

Papunta kami ngayon sa province, dun kila lola. Sembreak namin so we decided na bisitahin naman yung family ko this time kasi lagi na lang kami dun sa family side nya.

This is the first time na pupunta kami kila lola. They are aware na may girlfriend ako and matagal na nilang gusto syang makita sadyang wala lang kaming time.

"Wag OA Staks, walang hiwalayang magaganap. I'm sure din na excited silang makita ka." Hindi na nagsalita pa ulit si Stacey at tahimik lang yung buong byahe namin. While I'm driving, I always throw glance at her to see if she's still okay. She really looks like she's nervous.

After ng ilang oras na byahe, nakarating na kami sa bahay nila lola. Mag-stay kami dito for 1 week kaya marami-rami din kaming dalang mga gamit.

"Nay!!" Tawag ko nung makita ko si lola na naghihintay sa labas ng bahay niya. Medyo nagmamadali akong naglakad hanggang sa mayakap ko si lola.

"Na-miss po kita nay." Sabi ko habang nakayakap.

"Na-miss din kita apo." Humiwalay ako sa pagkakayakap tapos tumabi sa girlfriend ko na kanina pa tahimik.

"Nay, nga pala, si Stacey po, girlfriend ko." Pakilala ko. Nginitian ko si Stacey tapos ganun din sakin bago lumapit kay nanay para magmano.

"Nice to meet you po.." Stacey politely stated.

"Kaawaan ka ng Diyos. Kay gandang bata mo naman. Siguro ka ba na girlfriend mo itong apo ko?"

"Nay naman!" Reklamo ko dahil dun sa sinabi nya. Natawa lang si nanay pati si Stacey.

"Ang totoo po nyan, ginayuma lang po ako ni Jhoana." Gatong ni Stacey.

"Babe!" Reklamo ko ulit.

"O siya at magpahinga na kayo. Stacey apo, hayaan mo na yan si Jho magdala ng mga gamit nyo. Paghahandaan kita ng makakain bago ka magpahinga." Binigyan ako ng mapang-asar na ngiti ni Staku sabay abot sakin ng mga gamit nya.

"Nay! Bakit ako lang?!" Tanong ko pero hindi nila ako pinansin at tuloy tuloy sila sa paglalakad.

******

Hapon na nung makarating kami sa bahay ni lola kaya ngayon gabi na, nandito na kami sa kuwarto para magpahinga.

Tapos na ako maligo ganun din si Stacey. Nagbabasa ako ng libro habang hinihintay syang tumabi sakin.

"Hon, pa-help naman ako magpatuyo ng buhok." Malambing na sabi ni Stacey. Agad ko naman siyang sinunod. Binaba ko yung libro na binabasa ko sabay kuha ng hairdryer.

Nakaupo kami parehas sa kama habang pinapatuyo ko yung buhok nya.

"Ang saya kasama ni nanay no? Welcome na welcome ako." Sabi nya.

"Sabi sayo eh, hindi ka dapat mag-worry kasi noon pa man, gusto ka na nila makilala. Most probably bukas makikita mo sila tito and tita."

Humarap sya sakin kaya napatigil ako sa ginagawa ko. "I love you Jho." She cutely stated that made my heart flutter.

"I love you more Staku."

******

Nagising ako pero wala si Stacey sa tabi ko. I brushed my teeth first before hanapin yung girlfriend ko na sure ako na nasa paligid lang.

Hindi nga ako nagkamali. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko sya kausap si tito habang nasa taniman sila at nangongolekta ng mga gulay.

"Kay aga nagising ng kasintahan mo. Nagkusa pa siya tulungan yang tito mo kumuha ng mga pananim para sa almusal at tanghalian natin mamaya." Sabi ni nanay at tumabi sakin.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon